Parang Ayoko Na Yata

Album cover art for "Parang Ayoko Na Yata" by Parokya Ni Edgar

Parokya Ni Edgar - Rock, Pinoy Rock

Parang Ayoko Na Yata

2 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Naubos na ang barya Sa kakayosi at kakabasa Ng magazines mong nakahilata diyan sa sala Maggagabi na pala Di ba't sinabi ko ala-una? Mabuti na lang Mabagal akong magbasa Dumating ka na sana [Verse 2] Bakit 'di ka man lang nagbilin Na may balak ka pala biglang mag-ice skating? Kung 'di ka pa tinawagan Maiisip mo kayang ako'y 'di bale na Nakakasawa din pala Kapag paulit-ulit Ang buhos ng galit [Verse 3] Parang ayoko na yata Nakakapagod din pala ang iyong mukha At kung may balak ka pang ulitin sa 'kin 'yon May ibubulong ako sa 'yo Putang ina mo [Instrumental Break] [Refrain] Bakit nagtitiyaga sa 'yo? Ang dami-dami kong reklamo Parang ayoko lang magsalita Parang ayoko na yata [Verse 4] Ang daming dapat sabihin Alam ko na kung pa'no gagawin Akala ko siguro na hindi ko kaya At nung ika'y dumating Mula sa yong pag-a-ice skating Wala akong nasabi kundi "Napagod ka ba? Kumain ka muna." [Verse 5] Pagkat 'di ko kayang magalit 'Pag nakita na kita, tumatamis ang pait Laging pinipilit Na magsungit ngunit 'di bale na Napapatawad na kita Hindi na magagalit 'Wag lang ma-ulit [Verse 6] At nung tayo'y kakain na Biglang sinabi mong may lakad kang iba At kahit gusto sana kitang awayin na Sinabi ko "Bahala ka. Basta mag-ingat ka." [Refrain] Bakit nagtitiyaga sa 'yo? Ang dami-dami kong reklamo Parang ayoko lang magsalita Parang ayoko na yata [Verse 7] Parang ayoko na yata Ngunit wala naman akong magagawa Marahil, sobrang alam mong 'di ko kayang mawala ka Maswerte ka't mahal kita Ang malas talaga

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Buhawi Meneses