Original Song

Lyrics
[Verse 1] Nagbibilang ka na naman Ng kinita mo nung huling buwan Eh mabuti pa mag-gitara ka Gumawa ka ng magandang kanta [Verse 2] Sapagkat kaya kayo'y naging sikat Bukod sa ilong mong medyo sarat At sa katawang ubod ng payat Ay sa awit niyong trip ng lahat [Verse 3] Ng mga gagong katulad niyong Nag-eenjoy lang sa mundo Ngunit kahit na ganito Hindi kayo nanggugulo [Verse 4] Matino ngunit sira ulo Pilyo ngunit maginoo At para makapag-umpisa Sa Chorus magsisimula [Chorus] Mahirap gumawa ng kanta Lalo na kung kailangang kumita Pagkat ayokong maghanap ng trabaho Habangbuhay magbabanda ako [Post-Chorus] Para may chicks Para may pera Para may libreng sprite at vodka Para may toys At saka comics Para may DVD ng classics [Verse 5] Para may boys, este para sa boys At sa lahat ng mga kolokoy Para gising hanggang alas otso Para tulog hanggang alas kwatro [Verse 6] Mahirap gumawa ng kanta Lalo na kung wala nang maisip Eh andaya naman kung manggaya na lang Kailangan original song Kailangan, kailangan Kailangan original song [Verse 7] Nagsimula ang lahat sa eskwela Dahil walang ibang magawa Mula pagkabata, hanggang mag-asawa At mag-assemble ng pamilya [Verse 8] Hanggang tumanda Hanggang atakihin Wala nang iba pang nanaisin Kundi ang magbanda at saka kumanta Rock en roll hanggang mamayapa [Instrumental Break] [Chorus] Mahirap gumawa ng kanta Lalo na kung kailangang kumita Pagkat ayokong maghanap ng trabaho Habangbuhay magbabanda ako
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Chito Miranda