Nanjan

Lyrics
[Verse 1] Minsan tayo'y biglang nagsama Kailan? Hindi ko maalala Basta't alam ko lang noon ay Tawa ka ng tawa Sa jokes kong sobrang corny at Mas luma pa kay lola [Chorus] Nasa'n ka na kaya? Magpakita ka naman sana Bakit kaya biglaan ka na lamang nawala? Kay tagal ko nang naghihintay sa 'yo Hindi pa rin sumuko 'Di ko man lang nalaman ang pangalan mo [Verse 2] Sabi nila, ay wag na daw akong aasa pa Na magbabalik ka pa Kung saan tayo huling nagkita Biglaan ka na lang tumawa ng tumawa Sa jokes kong sobrang corny at Mas luma pa kay lola [Chorus] Nandyan ka lang pala Bakit 'di ka man lang nagsasalita? Akala ko'y tuluyan ka na lamang nawala Kay tagal ko nang naghihintay sa 'yo Anong pangalan mo? Sana'y palagi ka na lang nandyan sa tabi ko [Bridge] Nawawala, dumarating Hindi man lang napapsin Nawawala, dumarating Eto na naman [Chorus] Nandyan ka lang pala Bakit 'di ka man lang nagsasalita? Akala ko'y tuluyan ka na lamang nawala Kay tagal ko nang naghihintay sa 'yo Anong pangalan mo? Sana'y palagi ka na lang nandyan sa tabi ko [Chorus] Nandyan ka lang pala Bakit 'di ka man lang nagsasalita? Akala ko'y tuluyan ka na lamang nawala Kay tagal ko nang naghihintay sa 'yo Anong pangalan mo? Sana'y palagi ka na lang nandyan sa tabi ko
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Parokya Ni Edgar