Maniwala Ka Sana

Lyrics
[Verse 1] Nung una kitang nakilala, 'di man lang kita napuna 'Di ka naman kasi gano'n kaganda, 'di ba? Simpleng kabatak, simpleng kabarkada Lamang ang tingin ko sa 'yo 'Di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito Ako'y napaisip at biglang napatingin 'Di ko malaman kung anong dapat gawin Dahan-dahang nag-iba ang pagtingin ko sa 'yo Gumanda ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago Napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso Badtrip talaga, na-I-in love ako sa 'yo T'wing kita'y nakikita ako ay napapangiti Para bang gusto kong halikan ang 'yong mga pisngi [Chorus] Minamahal kita, ba't 'di ka maniwala? Ano'ng kailangan kong gawin upang seryosohin mo Ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa 'yo? Maniwala ka sana, minamahal kita [Instrumental] [Verse 2] Nasira na yata ang ulo ko kaiisip ko sa 'yo Kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko Pero bakit para kang naiilang, ako ay iyong iniiwasan? Ako'y nahihirapan (Oy) wala namang ganyanan Pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago Ngayon ako'y nagsisisi kung bakit ako nag-"I love you" Kasi 'di na tayo tulad ng dati Ngayon sa akin ay diring-diri [Chorus] Minamahal kita, ba't 'di ka maniwala? Ano'ng kailangan kong gawin upang seryosohin mo Ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa 'yo? Maniwala ka sana, minamahal kita Minamahal kita, ba't 'di ka maniwala? Ano'ng kailangan kong gawin upang seryosohin mo Ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa 'yo? Maniwala ka sana, minamahal kita
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Chito Miranda