Barkada

Lyrics
[Verse 1] Heto na ang mga officials ng barkada Kanya-kanyang kalokohan ang bawat bida Merong medyo praning Meron din ang antukin Kumpleto sa rekado ang barkada namin Pinagtagpo-tagpo kami ng tadhana Kahit pinanggalingan namin ay iba-iba Walang pakialam kung sa'n mapadaan Basta't sabay-sabay kaming nagtatawanan [Chorus] Basta nandyan ang bawat myembro ng tropa Ang kalokohan ay hindi mawawala Hindi na dapat pinag-iisipan pa Lahat tayo ay dapat magsaya [Verse 2] Musmos pa lang magkakasama na kami Nagkasundo kahit iba't ibang ugali Ganyan lang talaga saming munting barkada Kasa-kasama mo sa hirap at ginhawa Magkasabay mula sa pagsikat ng araw Magkasama hanggang daigdig ay magunaw Sa dami-dami ng aming napagdaanan Walang tatalo sa aming pinagsamahan [Chorus] Basta nandyan ang bawat myembro ng tropa Ang kalokohan ay hindi mawawala Hindi na dapat pinag-iisipan pa Lahat tayo ay dapat magsaya [Verse 3] 'Di na yata magsasawa Sa 'ming pagsasama-sama At sa aming barkada Asahan na hindi mawawala Ang kalokohan at ang walang Tigil na tawanan Sapagkat ang bawat kabarkada Namin ay sadyang ganyan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Chito Miranda