Ang Parokya

Album cover art for "Ang Parokya" by Parokya Ni Edgar & Frank Magalona & Gloc-9

Parokya Ni Edgar & Frank Magalona & Gloc-9 - Rock, Rap

Ang Parokya

23.4K Plays

View Album

Lyrics

[Intro: Chito Miranda] Dalawang dekada na pala tayong naglolokohan At tulad ng sinabi ko noon walang iwanan At kahit na anong mangyari, pare, steady ka lang Pangako namin sa inyo palaging tandaan [Chorus: Chito Miranda] Na ang Parokya kahit na hindi magaling Kami ang bandang hindi nila kaya patayin Tumatanda na pero nandito pa rin At habambuhay kaming maghahasik ng lagim [Verse 1: Chito Miranda] Nand'yan si Dindin, ang drummer naming cute na cute Kaibigan ko na siya mula nung '82 Hanggang ngayon hindi pa rin marunong mag-commute Pati mag-drums pero okay lang 'yan, chong, salute Grade 3 nung nakilala ko si Montaner Ang aming back up extra ordinaire Sa bawat gig, handa siyang magpakamatay Kasi nag-iisa 'yung kanta niya, 'yung "Picha Pie" Si Buhawi, pinakamagulong bahista Magaling, malupit, para siyang karatista 'Pag inyong makita, 'kala mo rakista Pero gusto niya lang talaga maging fashionista Si Gab, gitarista namin na malupit Anak ng teacher kaya akala mo mabait Pero kung minsan inaatake ng kulit Nawawala bigla ang modo, banatan sa pwet At ang huli, si Darius Gerard Semaña Ang pinakamatandang member ng Parokya Wala kaming mahanap na ibang gitarista Kaya kinuha namin siya kahit lasalista [Chorus: Chito Miranda] Ang Parokya kahit na hindi magaling Kami ang bandang hindi nila kaya patayin Tumatanda na pero nandito pa rin At habambuhay kaming maghahasik ng lagim 'Yan ang Parokya kahit na hindi magaling Kami ang bandang hindi nila kaya patayin Tumatanda na pero nandito pa rin At habambuhay kaming maghahasik ng lagim [Verse 2: Gloc-9] Ako si Gloc-9, batang Binangonan, Rizal Sipag, tyaga, dugo, pawis na may kasamang dasal 'Di pwedeng mainip kahit na ga'no pa katagal Kapag uhaw handang uminom ng tubig sa kanal Balikan natin ang storya, nanalo ng trophy Si Chito Miranda, nakita ko sa kod-li Ako'y napa-isip at medyo nangarap ng konti Baka nga may mapala'ng isang makatang promdi Lumipas ang isang taon, may tumawag sa'kin Nang sabihin niya kung sino siya gusto ko siyang murahin Nang aking pinuntahan, 'di ko sukat akalain Makakasali ako sa kantang kakabisaduhin ng madami Bagsakan ang nangyari Samahang binuo namin wala akong masabi Kasama mo pa si Gab, si Buwi, Vinci, Darius at si Dindin Mula noo'y 'di na 'ko nakatulog nang mahimbing Palaging atat ipadinig sa lahat Kung saan nagmula ang tulang nag-ugat Dito sa kantang pwede ang kahit anong pamagat Dahil susunod na sa'kin ang anak ng alamat [Verse 3: Frank Magalona] Sintamis ng makopa para bang naka-toga Nakamit na ang inaasam nilang diploma 'Di kayang makopya ang tinahak ng Parokya Kasama pa si Aristotle Pollisco at Frankiko Magalona 'Yan si Chito at ang tropa, pagkabibo ay sumosobra 'Pag dating sa gig ay naghahasik ng amat na walang droga 'Pag pumito na si kuya, alam nating magulo na Mang pulis, hoy, totoo na, ako'y testigo ilang taon na Kulang na lang sulat ko'ng pangalan nila sa balota Walang Pinoy na takot sa kanila Kahit nagtitinda ng penoy at balot sa kalsada Sila ang pipiliin na kalahok tampok sa kalokohang subok Walang kayang pumatay ang mga sandata ninyo ay marupok Sa pintuan palang hindi mo kayang makatok Sa bituka palang sila'ng mas matatag Sa totoo lang, 'di niyo kaya si Chito Miranda at Gab Chee Kee, Vinci, Moreno, Semaña at Meneses Nominado at nanalo nang maraming beses Nakalathala sa punong Acacia Ang Diyos ay marunong humasa 'Di ba halata na binasbasan ng Bathala, 'singtibay ng Narra 'Di natakot mangarap, pakinggan niyo'ng harana Mga kapatirang pariwara na inararo ng drama Itaga niyo na sana sa bato At mangako na habambuhay magsasama [Chorus: Chito Miranda] Ang Parokya kahit na hindi magaling Kami ang bandang hindi nila kaya patayin Tumatanda na pero nandito pa rin At habambuhay kaming maghahasik ng lagim 'Yan ang Parokya kahit na hindi magaling Kami ang bandang hindi nila kaya patayin Tumatanda na pero nandito pa rin At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9
  • Frank Magalona
  • Parokya Ni Edgar
  • Chito Miranda