Amats

Lyrics
[Verse 1] Nung nag-inuman tayo Masaya ka, masaya din ako Ng barkada ko at nang barkada mo Lagi na lang tayong tinutukso Ilang bote lang ang lumipas Ang hirap mo nang makausap Mapungay na ang iyong mga mata Ang paligid ay maingay na Tatlong beses mong ikinuwento Nung madapa ka diyan sa may kanto Limang ulit kang nalito Kung ano ang pangalan ko [Pre-Chorus] Pero biglang nawala ang amats ko Nung madulas ang dila mo Hindi makapaniwala ang tenga ko Nung biglang sabihin mo [Chorus] Masarap ka palang kausap Buong maghapon o magdamag Alam mo ba ang sikreto ko Matagal na kitang gusto [Verse 2] Pagkatapos ng isang linggo Binantayan ko mga kilos mo Tinanong ko ang mga kabarkada mo Wala akong nakuha kahit ano Tatlong beses kong pinag-isipan Baka nagpapakipot ka lang Limang ulit kong sinabi sa sarili Ganyan talaga ang babae [Pre-Chorus] Kaya't biglang nawala ang duda ko Nadulas lang ang dila mo Hindi makapaniwala ang tenga ko Noong sinabi mo [Chorus] Masarap ka palang kausap Buong maghapon o magdamag Alam mo ba ang sikreto ko Matagal na kitang gusto [Verse 3] 'Di ko na mapigilan Kailangan kong malaman Tinulungan kitang aminin Ang matagal mo nang inililihim Tatlong beses mo akong minura Sa harap ng iyong barkada Limang beses na nabasag ang puso ko Nung sabihin mong ang kapal mo [Pre-Chorus] Kaya biglang nawala ang amats ko Nakagat ko ang dila ko Hindi makapaniwala ang tenga ko Sa mga sinabi mo [Chorus] Ang labo mo palang kausap Kapag may beer ka lang matapat Kahit maubos ang pera ko Mag-inuman na lang tayo [Verse 4] Sana 'pag ubos na ang pulutan At tapos na ang mga kwentuhan 'Pag simot na ang laman ng bote ko Sana'y mahal mo ulit ako
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Denmark Valdez
- Rob Evangelista