Alumni Homecoming

Lyrics
[Spoken Intro] Hi, this is Gilbert Magat on vocals Charvis Manlabat, singer Ric Mercaro, Jr. in guitars Duke Mejares on bass Ako si Tomtom Alarcon on drums And I'm Tito Ralph And we're Bigotilyo [Verse 1] Napatunganga nung bigla kitang nakita Pagkalipas ng mahabang panahon High school pa tayo nung una kang nakilala At tandang-tanda ko pa Noon pa ma'y sobrang lupit mo na 'Di ko lang alam kung pa'no Basta biglang nagsama tayo 'Di nagtagal ay napa-ibig mo ako [Verse 2] Mula umaga hanggang uwian natin Laging magkasama tayong dalawa Parang kahapon lang nangyari sa'kin ang lahat Tila isang dulang medyo romantiko ang banat Ngunit nang mapag-usapan, bigla na lang nagkahiyaan Mula noon hindi na tayo nagpansinan [Chorus] At bakit ko ba pinabayaan Mawala nang 'di inaasahan Parang nasayang lang Nawala na, wala nang nagawa [Verse 3] Panay ang plano, ngunit panay ang urong At inabot na ng dulo ng taon Graduation natin nung biglang nag-absent partner ko Tadhana nga naman, naging mag-partner tayo Eksakto na ang timing, planado na ang sasabihin Ngunit hanggang huli, wala akong nasabi [Chorus] At bakit ko ba pinabayaan Mawala nang hindi inaasahan Parang nasayang lang Nawala na, wala nang nagawa [Instrumental Break] [Verse 4] Napatunganga nung bigla kitang nakita Pagkalipas ng mahabang panahon Sobrang alam ko na ang aking sasabihin At ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sa'kin At nang ikaw ay nilapitan, bigla na lang napaligiran Ng 'yong mga anak mula sa pangit mong asawa [Chorus] At bakit ko ba pinabayaan Mawala nang hindi inaasahan Parang nasayang lang Nawala na, wala nang nagawa At bakit ko ba pinabayaan Mawala nang hindi inaasahan Parang nasayang lang Nawala na, wala nang nagawa [Outro] Wala nang nagawa Wala nang nagawa Wala nang nagawa
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Chito Miranda