Kumusta ka

Lyrics
[Verse 1] Kumusta ka? Ikaw ay walang pinag-iba Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo Tinitingnan kita hanggang wala ka na [Verse 2] Kumusta ka? May ibang kislap ang 'yong mata Halata na ang daigdig mo ngayon ay kay saya Siguro ay nagmamahal ka na nang totoo Siya ba'y katulad ko no'ng tayong dalawa? [Chorus] O, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka, mayakap, at muli pang mahagkan Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal Walang masabi kung 'di "Kumusta ka?" [Bridge] Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo Tinitingnan kita hanggang wala ka na [Verse 3] Kumusta ka? Ano ba'ng dapat sabihin pa? Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago Hanggang ngayon, sinta, mahal pa rin kita (Mahal kita) [Chorus] O, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka, mayakap, at muli pang mahagkan Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal Walang masabi kung 'di "Kumusta ka?" (Kumusta ka?) O, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal Walang masabi kung 'di "Kumusta ka?" (Kumusta ka?) [Outro] Kumusta ka? 'Di ka ba sa akin natatawa? Walang masabi kung 'di "Kumusta ka?"
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Baby Gil
- Willy Cruz