Doon Lang

Album cover art for "Doon Lang" by Nonoy Zuñiga

Nonoy Zuñiga - Pop, Adult Contemporary

Doon Lang

38K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Kung natapos ko ang aking pag-aaral Disin sana'y mayro'n na akong dangal Na ihaharap sa 'yo at ipagyayabang Sa panaginip lang ako may pagdiriwang [Verse 2] Yaman at katanyagan sa akin ay wala Kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa Ang aking inay ang tangi kong tagahanga Sa panaginip lang ako may nagagawa [Chorus] Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan Sa panaginip lang kita nahahagkan tuwina Doon lang [Verse 3] Kung 'di dahil sa barkada ay tapos ko na Ang pag-aaral na nagbibigay ng halaga Sa awitin kong ito mo lang madarama Mga pangarap kong walang pangangamba [Chorus] Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan Sa panaginip lang kita nahahagkan tuwina Doon lang Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin (Ng bituin) Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan Sa panaginip lang kita nahahagkan tuwina Doon lang [Outro] (Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan) Sa panaginip lang kita nahahagkan tuwina Doon lang (Doon lang) Doon lang

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Willy Cruz