Hanggang Kailan

Album cover art for "Hanggang Kailan" by Angeline Quinto

Angeline Quinto - Pop, Philippines

Hanggang Kailan

13.5K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Nang dumating ka sa buhay kong hilo Binigyan mo ng kulay ang puso kong ito Bawat araw ay puno ng awit at tula Pinalitan mo ng ngiti, mga matang lumuluha [Chorus] Hanggang kailan kita iibigin? Hanggang saan kita hahanapin? Kahit saan ka man naroroon ngayon, sinta Magpakailanman, pinapangako kong hihintayin kita [Verse 2] Akala ko pagmamahal mo ay akin Ngunit sa isang saglit, ako pala'y iiwan din Ako ba ay nagkulang? Ikaw ba ay sinaktan? Upang iwanan mo ang puso kong ngayon ay sugatan [Chorus] Hanggang kailan kita iibigin? Hanggang saan kita hahanapin? Kahit saan ka man naroroon ngayon, sinta Magpakailanman, pinapangako kong hihintayin kita [Bridge] At kung sakali mang bumalik ka pa sa piling ko Tatanggapin kita na walang isusumbat sa iyo Pinatawad na kita bago ka pa bumalik Kahit kailan man ay 'di maglalaho itong aking pag-ibig Pag-ibig [Chorus] Hanggang kailan kita iibigin? Hanggang saan kita hahanapin? Kahit saan ka man naroroon ngayon, sinta Magpakailanman Kahit kailan, pinapangako kong hihintayin kita

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Jose Joel Mendoza