Lipad Ng Pangarap

Lyrics
[Verse 1: Angeline Quinto] Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo Ang pangako ng walang-hanggang bukas Pabaon man sa 'yo'y hapdi ng puso Aabutin ang pangarap [Verse 2: Regine Velasquez] At ang bunga ng wagas mong pagsisikap Katuparan ng iyong pangarap Kapalit ng dalamhati't paghihirap Pag-angat ng kabuhayang marilag [Chorus: Angeline Quinto, Regine Velasquez, Both] Liparin mo ang hangganan ng langit Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi Pangarap mo (Pangarap mo) na kay tagal mo nang mithi, whoa [Verse 3: Regine Velasquez, Angeline Quinto] Tutularan ka ng sunod na saling-lahi Kapuri-puring pag-aalay ng lakas Nagpupugay sa makabagong bayani Ang buong bansa'y nagpapasalamat [Chorus: Regine Velasquez, Angeline Quinto, Both] Liparin mo ang hangganan ng langit Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi Pangarap mo (Pangarap mo) na kay tagal mo nang mithi, whoa [Outro: Angeline Quinto, Regine Velasquez, Both] Liparin mo ang hangganan ng langit (Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo) Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit (Ang pangako ng walang-hanggang bukas) Kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay (Ang tamis ng tagumpay), whoa Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- N. Arnel de Pano