Langit Lupa

Lyrics
[Verse 1] Sino ba'ng may sabi Na 'di ko maaaring maabot ang langit? Hinahatak pababa Binabaon sa lupa, sino ba sila? [Pre-Chorus] Ang lahat ngayo'y lumalayo (Lumalayo) Ako na ba ang taya kaya gan'to? [Chorus] Langit, lupa, impyerno, paano ba nilalaro? Ang daming bawal, ang gulo na ng mundo Langit, lupa, impyerno, paano ba mananalo? 'Di patas ang larong ito sa tulad ko [Verse 2] Bawal sa taas, sundin, ito ang dapat Ito lang daw ang tama (Ito lang daw ang tama) Sila'ng magdidikta, kung sa'n ka nararapat Hanggang kailan pa kaya? [Pre-Chorus] Paano kung pagod na sa laro? Pwede na ba nating ihinto? [Chorus] Langit, lupa, impyerno, paano ba nilalaro? Ang daming bawal, ang gulo na ng mundo Langit, lupa, impyerno, paano ba mananalo? 'Di patas ang larong ito sa tulad ko [Refrain] Langit, lupa, impyerno, im-im-impyerno Saksak-puso, (Patri) tulo ang dugo (Ugno) Patay, buhay, (Imno) umalis ka rito (Pyalle) [Verse 3] Manong, Manang, bakit ang gulo? Ganito ba talaga ang buhay sa mundo? Kasalanan bang sinilang pa sa lupaing ito? Para lang magpaalipin sa takbo nitong laro Langit, lupa, impyerno Sabihin naman sa'kin kung sa'n 'to patungo? Saksak-puso, tulo ang dugo Kailangan bang umabot na lahat ay gumuho, oh O-oo na lang ba? Sa lahat ng sasabihin ng iba? Wala na ba 'kong boses na maisisigaw Puro ingay na lang ang nangingibabaw Abusado masyado lahat (Mga nakatungtong) Sa bawat salu-salo (Matitira tutong) Hindi ito ang buhay na ninais ko Abangan niyo bukas, iba na'ng takbo [Bridge] Handa ka bang maging taya ngayon? [Chorus] Langit, lupa, impyerno, alam ko na kung paano 'Di aatras kahit ano pa'ng ibato Langit, lupa, impyerno, dumanak man aking dugo Hangga't wala ko sa tuktok, hindi susuko
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Geca Morales