ATM

Lyrics
[Verse 1] 'Di sapat ang tono at gitara Sulat at kanta para sa nadarama Nitong puso ko para sa iyo Papatunayan kong ito'y totoo [Pre-Chorus] 'Di pa rin ako magbabago kahit na tumaba ka pagdating sa dulo Kulubot man ang balat at puti na ang buhok 'Di ako maiinis kahit gabi-gabi, ang lakas mong humilik Araw-araw pa rin kitang mamahalin [Chorus] Ang tanging mamahalin hanggang sa dulo Ay ikaw na siyang buhay sa aking mundo Kaulayaw sa pagtanda, 'yan ang pangako Ganyan ang pag-ibig ko [Verse 2] Tuwing magsusungit ka ng walang dahilan Ika'y pagpapasensyahan, alam kong gutom lang 'yan Kahit magselos ka, sa panaginip mo'y may iba Akong minamahal, yayakapin lang kita [Pre-Chorus] 'Di ako maiinis kahit awayin mo ako, handa akong magtiis Lalambingin ng yakap na kay tamis O, igagawa kita ng paborito mong kape, iced caramel, 'di ba? Tapos 'pagluluto naman kita [Chorus] Ang tanging mamahalin hanggang sa dulo Ay ikaw na siyang buhay sa aking mundo Kaulayaw sa pagtanda, 'yan ang pangako Ganyan ang pag-ibig ko Ang tanging mamahalin hanggang sa dulo Ay ikaw na siyang buhay sa aking mundo Kaulayaw sa pagtanda, 'yan ang pangako Ganyan ang pag-ibig ko
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Francis Contemplacion