Magsimula Ka

Lyrics
[Verse 1] Magsimula ka, batiin ang kay gandang umaga Nang may ngiti sa 'yong mga mata Sa pagkakaidlip, gumising na (Gumising na) Ang buhay ay masaya, palalagpasin mo ba? [Verse 2] Magsimula ka, tuparin ang pangarap mong tunay Habang ang lakas, iyo pang taglay Sa paghihintay, baka masanay (Baka masanay) Sayang naman ang buhay, mawawalan ng saysay [Chorus] Iisa lang ang buhay mo, kumilos ka, gamitin mo Kung may nais ang puso mo, mangarap ka, abutin mo Upang ito'y makamit mo (Makamit mo) Magsikap ka, simulan mo (Simulan mo) [Verse 3] Magsimula ka, pilitin ang tuklasin ang hanap Magdanas man ng maraming hirap Ang mithiin mo, 'pag naging ganap Langit ng pagsisikap, iyo nang malalasap [Chorus] Iisa lang ang buhay mo, kumilos ka, gamitin mo Kung may nais ang puso mo, mangarap ka, abutin mo Upang ito'y makamit mo (Makamit mo) Magsikap ka, simulan mo (Simulan mo) [Chorus] Iisa lang ang buhay mo, kumilos ka, gamitin mo Kung may nais ang puso mo, mangarap ka, abutin mo Upang ito'y makamit mo (Makamit mo) Magsikap ka (Magsikap ka), simulan mo [Outro] Oh oh oh oh Upang ito'y makamit mo (Makamit mo) Magsikap ka (Magsikap ka) Simulan mo (Simulan mo)
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gines Tan