Tagumpay Nating Lahat

Lyrics
[Verse 1] Ako'y anak ng lupang hinirang Kung saan matatagpuan Ang timyas ng perlas ng Silangan Nagniningning sa buong kapuluan [Verse 2] Taglay ko ang hiwaga ng Silangan At saan mang bayan o lungsod Maging Timog, Hilaga o Kanluran Ang Pilipino ay namumukod [Chorus] Sama-sama nating abutin (Sama-sama nating abutin) Pinakamatayog na bituin At ang aking tagumpay Tagumpay ng aking lahi Tagumpay ng aking lipi Ang tanging minimithi at hinahangad Hangad ko'y tagumpay nating lahat [Verse 3] Ako'y may isang munting pangarap Sa ating dakilang lupain At sa sama-sama nating pagsisikap Sama-sama ring mararating [Verse 4] Ang iba't ibang galaw (Iba't ibang galaw) Iisang patutunguhan Dito isang araw Isang kapuluan [Chorus] Sama-sama nating abutin Pinakamatayog na bituin At ang aking tagumpay Tagumpay ng aking lahi Tagumpay ng aking lipi Ang tanging minimithi at hinahangad (Minimithi at hinahangad) Hangad ko'y tagumpay nating lahat (Tagumpay nating lahat) Hangad ko'y tagumpay nating lahat
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gary Granada