Burgis

Lyrics
[Koro] Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan? Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan? Ano ba ang kahulugan? [Verse 1] 'Di ba't ang buhay ay bugtong Hiwagang mahiwaga? Bakit ka pa magtatanong Kung sagot ay wala? [Chorus] Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan? Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan? Ano ba ang kahulugan? [Verse 2] 'Di ba't ang buhay ay dula Ang mundo'y entablado? Kung gayo'y sinong may gawa At may-akda nito? [Chorus] Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan? Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan? (Hallelujah!) [Verse 3] Ang kaligtasa'y natin ay Sa langit, 'di sa lupa 'Di ba't ang ating sinasamba'y Sa lupa bumaba? [Chorus] Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan? Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan? [Verse 4] At kung sarili kong gabay Kanya-kanyang tadhana Mas maigi pa ang bangkay Sa lupa ay pataba [Verse 5] 'Di ba tayo'y mga daga Na nagpapaligsahan? Kaya nangangamoy-lungga Itong pamantasan [Verse 6] Magagaling, mahuhusay, at sikat That's why we are in UP Mga samahang hindi mulat Sa masa'y walang silbi [Chorus] Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan? Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan? [Verse 7] Ganyan ang utak ng sanay Sa komportableng buhay Doon sa mundo ng mga gutom Doon tayo magdiskusyon! [Outro] "Naku, nagalit na si Chairman"
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gary Granada