Lipad Ng Pangarap

Lyrics
[Verse 1] Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo Ang pangako ng walang hanggang bukas Pabaon man sa 'yo'y hapdi ng puso Aabutin ang pangarap [Verse 2] At ang bunga ng wagas mong pagsisikap Pag-unlad nitong bayang nililiyag Kapalit ng dalamhati't paghihirap Pag-angat ng kabuhayang marilag [Chorus] Liparin mo ang hangganan ng langit Sa ulap ng pag-asa ay iyong makakamit Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi Pangarap ng Inang Bayang tinatangi [Verse 1] Pabaon man sa 'yo'y hapdi ng puso Aabutin ang pangarap [Verse 3] Tutularan ka ng sunod na saling-lahi Kapuri-puring pag-aalay ng lakas Nagpupugay sa makabagong bayani Ang buong bansa'y nagpapasalamat [Chorus] Liparin mo ang hangganan ng langit Sa ulap ng pag-asa ay iyong makakamit Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi Pangarap ng Inang Bayang tinatangi Ingatan mo ang lipad ng pangarap Umaasa sa 'yo ang bayan mong naghihintay Kakampi mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay [Outro] Ooh, ang tamis na dulot ng iyong tagumpay
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- N. Arnel de Pano