Larawan

Lyrics
[Verse 1] Si Nena ay lumulan papalipad sa Singapore Kung saan mamamasukan nang mapaaral si Amor Tangan niya'y limang larawan ng maliligayang panahon Dala-dala'y pangungulila sa daraang mga taon [Pre-Chorus] Ngunit buo ang kaloobang harapin ang kahirapan Nang ang pangarap ay makamtan [Chorus] Malayo man sa 'yong tingin ang araw mo'ng hinihintay Ang bukas mo ay darating hatid ang bago mong buhay Makakamit ang kalayaan mula sa karukhaan Nena, ika'y isang larawan ng bagong bayani ng bayan [Verse 2] Mga tao'y lumipas, nakatapos si Amor Sa pagtitiyaga't pagsusumikap siya'y isang ganap ngayong doktor Mulat sa kahirapan, kapos mula kamusmusan Naglako sa may lansangan nang pag-aaral ay matustusan [Pre-Chorus] Ngunit buo ang kalooban harapin ang kahirapan Nang ang pangarap ay makamtan [Chorus] Malayo man sa 'yong tingin ang araw mo'ng hinihintay Ang bukas mo ay darating hatid ang bago mong buhay Makakamit ang kalayaan mula sa karukhaan Amor, ika'y isang larawan ng bagong bayani ng bayan [Bridge] Huwaran ang iyong pagpupunyagi Dakila ang iyong mga minimithi [Chorus] Malayo man sa 'yong tingin ang araw mo'ng hinihintay Ang bukas mo ay darating hatid ang bago mong buhay Makakamit ang kalayaan mula sa karukhaan Nena, ika'y isang larawan Nena, ika'y isang larawan Nena, ika'y isang larawan ng bagong bayani ng bayan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Elzar Dodjie Simon