Tabi Po

Album cover art for "Tabi Po" by Joey Ayala

Joey Ayala - Pop, Contemporary Folk

Tabi Po

1 Plays

Duration: 3:38

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Intro] Tabi po, tabi po [Verse 1] Naglakad ako sa daang putikan Sa sobrang dulas ay napilitang magyapak Hinubad ko ang bagong sapatos ko Tinali sa aking backpack Gumapang paakyat sa putik at bato At nakarating sa balikat ng bundok Naglakad paloob sa makapal na kahuyan Nakarating sa daang madamo [Verse 2] Nang sapatos ko'y isusuot na sana Kanan na lamang ang natitira Kung saan naman nakarating ang kaliwa't Binalik-balika'y 'di pa rin makita Ano ngayon, ano ngayon ang gagawin ko? Iisa na lamang ang sapatos ko Ito na ba 'yung sinasabi nilang pinaglaruan? [Chorus] Tabi po, tabi po, palabiro Mapaglarong engkanto Tabi po, tabi po, palabiro Mapaglarong engkanto Tabi po, tabi po, palabiro Mapaglarong engkanto Tabi po, tabi po, palabiro [Interlude] [Verse 3] Sa awa ng Diyos, ako nama'y nakarating Sa pook-tulugan, takipsilim na Inabutan ng antok, dala ng pagod at dilim At hihigan ko'y inilatag na Nang ang mga mata ko ay pumipikit-pikit Biglang nagliwanag ang langit Ako'y tumingala at ang nakita ko 'Di mabilang na bituing nanggigising [Verse 4] 'Sang korong kuliglig, nag-awitan bigla 'Sang pangkat ng palaka'y nagkokokak-kokakan Mga dahon at sanga'y nagpalakpakan Paano matutulog n'yan? [Chorus] Tabi po, tabi po, palabiro Mapaglarong engkanto Tabi po, tabi po, palabiro Mapaglarong engkanto Tabi po, tabi po, palabiro Mapaglarong engkanto Tabi po, tabi po, palabiro [Interlude] [Verse 5] Sa awa ng Diyos, nakatulog din ako Dikit sa lupa't himbing na himbing At ang una kong nakita sa pagdilat sa umaga'y 'Sang paris ng sapatos kamukha nu'ng akin Bumangon ako't tiningnan ang sapatos Walang kaduda-duda na sa akin nga ito Kung paano nabuo, 'di ko po alam Ito na nga siguro 'yung pinaglaruan [Verse 6] Uminom ako sa ilog Ngunit lalong nauhaw Naupo sa batong malaki 'Yun pala ay kalabaw Hinanap ang daang pababa Ngunit lalo akong nawala, ah-ah, ah-ah-ah-ah-ah-ah (tabi po) [Chorus] Tabi po, tabi po (Tabi po), palabiro Mapaglarong engkanto (Tabi po) Tabi po, tabi po (Tabi po), palabiro Mapaglarong engkanto (Tabi po) Tabi po, tabi po (Tabi po), palabiro Mapaglarong engkanto (Tabi po) Tabi po, tabi po (Tabi po), palabiro Mapaglarong engkanto (Tabi po) [Chorus] Tabi po, tabi po, tabi po (Tabi po, tabi po, palabiro) Mapaglarong engkanto (Tabi po) Tabi po, tabi po, tabi po (Tabi po, tabi po, palabiro) Mapaglarong engkanto (Tabi po) Tabi po, tabi po, tabi po (Tabi po, tabi po, palabiro) Mapaglarong engkanto (Tabi po) Tabi po, tabi po, tabi po (Tabi po, tabi po, palabiro) Mapaglarong engkanto (Tabi po) [Outro] Tabi po, tabi po

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Joey Ayala