Saan Ka Patungo Panganay Ko

Album cover art for "Saan Ka Patungo Panganay Ko" by Joey Ayala

Joey Ayala - Pop, Contemporary Folk

Saan Ka Patungo Panganay Ko

0 Plays

Duration: 6:06

View ArtistView Album

Lyrics

[Refrain] Saan ka patungo panganay ko Ano ang hinahanap mo sa ating mundo [Verse 1] Ako'y tutungo sa siyudad Upang hanapin ang kaluluwa nito Papasukin ang mga pintuan at gusali niya At hihiga sa kanyang semento Ako'y tutungo sa siyudad At sasagupa sa dahas nito Ako'y sasama sa kanyang mga pulubi at pusakal At yayakap sa kanyang aspalto [Instrumental Break] [Refrain] Saan ka patungo panganay ko Ano ang hinahanap mo sa ating mundo [Verse 2] Ako'y tutungong katedral Upang tumitig sa mukha ng Diyos Isasaulo ko ang bawa't guhit sa Kanyang mukha At dadalhin ko Siya sa aking puso Ako'y tutungong meskita Upang tumitig sa mukha ni Allah At kung matuklasan ko na Ang Diyos at si Allah pala'y Pareho ang mukhang pinapakita Aking imumungkahi na dapat magkaisa Ang lahat ng mga Muslim at Kristiyano sa lupa [Instrumental Break] [Refrain] Saan ka patungo panganay ko Ano ang hinahanap mo sa ating mundo [Verse 3] Ako'y tutungo sa ginintuang palasyo ng mga hari Titingnan ko kung ang kulay ng mga haring ito Ay tunay na tulad ng kulay kong kayumanggi At kung matuklasan ko na Ang tunay na kulay nila'y Pintura sa mukha't balatkayo Makikita ng mundo na ang nakaupo sa trono Ay 'di hari kundi manika lamang Hmm hmm [Refrain] Saan ka patungo panganay ko Ano ang hinahanap mo sa ating mundo [Verse 4] Ako'y tutungo sa parang Upang hukayin ang dunong sa lupa Isip ko'y bubungkalin Diwa ko'y itatanim at aanihin ko ang katotohanan Ipamamahagi ko sa aking kapwa-tao Ang mga bunga ng aking diwa At kung may hahadlang sa pagbungkal ng isipan Awitin ko'y magsisilbing sandata [Refrain] Saan ka patungo panganay ko Ano ang hinahanap mo sa ating mundo [Refrain] Saan ka patungo panganay ko Tila mapanganib ang adhikain mo [Verse 5] Itay ako'y patungo sa dulo ng mundo Ang aking hinahanap ay ang kalayaan ko Ito ang aking pakay at ako'y nakahandang Ipagpalit ang buhay para sa kalayaan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Joey Ayala