Pusong Bulalakaw

Lyrics
[Verse 1] Pusong bulalakaw Gumuhit sa dilim Sabay tayong kumapit Walang kinikimkim Liwanag mo't liwanag ko'y Biglang naging isa Nang pusong bulalakaw Ay nagpakita [Verse 2] Tahimik ang pagitan Sa unang pagtagpo 'Di mabigkas Ang laman ng puso Damdamin mo't damdamin ko'y Biglang naliwanagan Nang pusong bulalakaw Ay namagitan [Verse 3] Tayo ay katulad niyang Punla ng langit Punla sa kalawakan Ng lupa Sisibol, sisibol ba Binhing inihasik Bituing itinanim Ng bituin [Instrumental Break] [Verse 3] Tayo ay katulad niyang Punla ng langit Punla sa kalawakan Ng lupa Sumibol, sumibol ka Binhing inihasik Bituing itinanim Ng bituin [Verse 4] Pusong bulalakaw Sa ati'y nagbigkis Tindi ng pagnanasa Ay 'di na matiis Ang init mo't ang init ko'y Humanap ng daan At pusong bulalakaw Ay isinilang
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Joey Ayala