Batangbakal

Lyrics
[Verse 1] Trapik chong, kulong sa kotse 'Di kumikilos, dalawang oras na Batangbakal sa aking bintana Bakal ang pakay, baryang pantinapay [Verse 2] Kulay usok, kutis aspalto Mukhang desperado Nguni't wala na akong barya Berdeng ilaw primera bigla Abante na chong, iisang dipa [Refrain] Ang kapal naman ng trapik na ito Sana'y tubuan ng pakpak ang kotse ko Batangbakal tama na Ubos na'ng aking barya Ang kapal naman ng trapik na ito [Instrumental Break] [Verse 3] Pulang ilaw pinatay ko ang makina Bintana'y ibinaba, sila'y nagsilapitan Mga batangbakal kaya ko kaya Maging isa sa kanila sa 'sang kisap ng staplayt [Verse 4] Sabi ko "Oh, inyo na 'to," inabot ko ang susi Sila'y nagtawanan, at ang susi'y sinauli Impyerno'ng trapik nguni't may kaligtasan Sa ngiti at tawanan ng mga bata [Refrain] Ang kapal naman ng trapik na ito Nguni't may anghel sa tabi ng kotse ko Batangbakal halakhak Pahiram ng 'yong pakpak Ang kapal naman ng trapik na ito [Refrain] Maglaho nawa ang trapik na ito At ang lahat ng kahirapan sa mundo Batangbakal halakhak Pahiram ng 'yong pakpak Ang kapal naman ng trapik na ito woah
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Joey Ayala