Bathala

Album cover art for "Bathala" by Joey Ayala At Ang Bagong Lumad

Joey Ayala At Ang Bagong Lumad - Pop, Folk

Bathala

0 Plays

Duration: 5:25

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Bathala Likha Ninyo ang bawat bagay sa mundo Lupang kayumanggi't luntiang bukirin Alat ng dagat at tamis ng hangin Bathala Ang bawat bagay na nagmula sa Inyong palad Ay may tungkulin sa mundong kinagisnan Sa pagtupad nito ang lahat ay tinitimbang [Verse 2] Ang tao Inyong hinugis at pinaahon sa lupa Pinagkalooban ng talino at diwa Upang mundo'y ipagyaman [Verse 3] Talino Naging ararong nagpaamo sa parang Naging kumpit na sumagupa sa karagatan Naging apoy na nagpalayas sa karimlan Sagana Sa kayamanan ang mundong Inyong likha At may bahagi rito ang bawat nilalang Kung susuyuin lang mula sa kalikasan [Verse 4] Subalit Buhay dalisay ay 'di sapat sa iilan Sila'y nasilaw sa kinang ng kasakiman Ganid na diyos ang sinamba [Verse 5] Pinaghahati-hatian po nila ang lupa Karagatan at himpapawid ngayo'y may bakod na Kapwa tao't hayop ma'y inaagawan ng tahanan Walang nakaliligtas sa kanilang karahasan Kaunlaran at kabutihan daw ang kanilang sadya Subalit ang lumilitaw ay isang panggagahasa [Instrumental Break] [Verse 6] Bathala Ako'y hinugis Niyo't pinaahon sa lupa Ang aking buhay ay dito nagmula At dito rin inaalay Bathala Bigyang-lakas itong inyong tanod lupa Upang umiral sa mapagsamantala Panalangin ko'y dinggin sana harinawa Bathala

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Joey Ayala