Awit Ng Mortal

Lyrics
[Verse 1] Ano ang sukat ng halaga ng isang buhay Kayamanan ba o 'di kaya ang pangalan Ano ang titimbang sa husto o kulang Ng katuparan ng adhikain at paninindigan [Verse 2] May gantimpala bang dapat pang asahan Upang kumilos ng tama't makatuwiran [Verse 3] Saglit lamang ang ating buhay Tilamsik sa dakilang apoy Ang bukas na nais mong makita Ngayon pa man simulan mo na [Verse 4] Ang bawat tibok ng iyong puso Minsan lamang madarama Ito ang kumpas ng ating awit Na sadyang may hangganan [Instrumental Break] [Verse 2] May gantimpala bang dapat pang asahan Upang kumilos ng tama't makatuwiran [Verse 5] Kat'wan at isipa'y kukupas At sa lupa'y yayakap din Subalit ang bunga ng iyong pamana'y Higit pa sa pinagmulan [Verse 3] Saglit lamang ang ating buhay Tilamsik sa dakilang apoy Ang bukas na nais mong makita Ngayon pa ma'y simulan mo na
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Joey Ayala