Ulap

Album cover art for "Ulap" by Honcho & MC Einstein & Jekkpot & Brando (PHL)

Honcho & MC Einstein & Jekkpot & Brando (PHL) - Rap, Pinoy Hip-Hop

Ulap

2 Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Chorus: Honcho] Nakatingala sa mga ulap Nakangiting humihiling at kahit sa'n Nakatingala sa mga ulap Nag-aantay na masagot at mabuksan Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala Kahit na malayo't umabot ay malabo sa'kin pinadama Yah, yah, yah [Verse 1: Jekkpot] Alam niyo po ba? Labis ang sisi ko Bakit po ba siya ang napili ko? Kasi no'ng una 'di ko po naisip 'to Hirap makuha lalo't sobrang busy po Nitong dalaga na kaninang umaga ko pa hanap Maghapon kong pinangarap hanggang pagdilim ng ulap At laging unan na lang ba ang aking makakayakap Sa panaginip ko na lang siguro siya makakausap Makakasama ko pero pa'no magkakatotoo Kasi sa twing ako'y lalapit, siya ay lumalayo May mali ba sa'king gamit na sabon at pabango 'Di ko na nga din po alam ang itatanong sa'yo Mahal niya ba ko? Siya ba'y mayro'n ding plano? May balak po kaya siyang sumakay sa eroplano? O mananatili dito dahil ako'y nandito Hindi umaalis naghihintay po ng sagot niyo [Chorus: Honcho] Nakatingala sa mga ulap Nakangiting humihiling at kahit sa'n Nakatingala sa mga ulap Nag-aantay na masagot at mabuksan Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala Kahit na malayo't umabot ay malabo sa'kin pinadama Yah, yah, yah [Verse 2: Bando] Pwedeng makuntento isang daang porsyento Nasa sa'yo na kung pa'no ka maging kuntento Di pwedeng nahiling ng tawad pero di natuto Walang sinong gumaling na tumitigil mag-imbento Mag eksperimento man gawin ng pabulong Lahat may pag-asa pa kahit pa yung nakakulong Wag na magtanong basta ibigay mo ng buong Buo ang iyong lakas 'di to pera o bayong 'Wag sabihing buhay 'di na fair kahit pa inaapi Pre, 'di pa sarado ang pinto ng langit, be aware Pare, be real 'wag mabalutan ng fear Kahit pa't sabihing 'di ka fit, ituring kang weird Ng mga tao sa'yong paligid 'wag mong sisihin Itaas nakayuko na ulo langit silipin Bahaghari ando'n sa dulo bago isipin Na wala ka ng pag-asa utoy, 'ge manalangin, pray! [Chorus: Honcho] Nakatingala sa mga ulap Nakangiting humihiling at kahit sa'n Nakatingala sa mga ulap Nag-aantay na masagot at mabuksan Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala Kahit na malayo't umabot ay malabo sa'kin pinadama Yah, yah, yah [Verse 3: MC Einstein] Salamat na agad (Salamat!) Ang dalangin ay laging natutupad (Natutupad) Baka kahit 'di na para sa'kin ay binibigay pa rin Kahit anong hilingin pa at hinahangad Mahaba pa ang panahon para mapasalamatan pa kita Kahit alam ko na kulang ang salitang salamat Para sa mga nagawa [Bridge: Honcho] Mo, para sa aming mga nananalangin Sana bitbit ng hangin, tungo sa'yo O aming nag iisang hari, gabayan niyo po palagi Kasama ka kahit sa'n mapadpad ang mga paa habang [Chorus: Honcho] Nakatingala sa mga ulap Nakangiting humihiling at kahit sa'n Nakatingala sa mga ulap Nag-aantay na masagot at mabuksan Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala Kahit na malayo't umabot ay malabo sa'kin pinadama Mahal na kita!

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Honcho
  • MC Einstein
  • Jekkpot
  • Brando (PHL)