Pagkakamali (Live Version)

Album cover art for "Pagkakamali (Live Version)" by Honcho

Honcho - Rap, Live

Pagkakamali (Live Version)

1 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Minsan na rin naman akong nalito Nagkamali ako ng daan hirap lumiko Nakauwi na kung saan dapat ako narito Ngayon ko lang natagpuan saya sa sarili ko Sa liriko na sinusulat ko ngayon Sana ay matandaan pagdating ng panahon Dami ng napagdaanan, pagkakamali ko Diniretso ang daan 'di na 'ko nagtanong, uhh [Interlude - Spoken] Sabi nila, hindi daw ako uusad Dami ko daw kasalanan Napatungan ng napatungan Pero ito ako ngayon kayo kausap [Chorus] Pagkakamali ay 'di pa huli Para itama at hindi na kailangan pag-isipan Hindi man madalian ay ayos lang Pagkakamali ay 'di pa huli Para itama at hindi na kailangan pag-isipan Hindi man madalian ay ayos lang [Verse 2] Napakadaming pwedeng tamang gagawin Pero mas pinili mo na tama ang 'yong mahalin Lipad sa hangin nakatingin sa mga ulap at bituin Tamang praning nanalamin Hindi naman kasi tama ang puro daing, aba'y galing Bago ko maitatama dapat tanggap mo mali mo 'Di pa naman huli 'yun sa tingin ko Kasi ako parang kayo tao lang din nakakatayo Hindi naman ibig sabihin kung nagkamali mabibigo [Interlude - Spoken] Kaya kung nalilito ka pumikit ka lang Isipin mo lang lahat ng alaala sa'yong nakaraan Lalakasan mo lang naman pakiramdam Para matuklasan ang tamang daan [Chorus] Pagkakamali ay 'di pa huli Para itama at hindi na kailangan pag-isipan Hindi man madalian ay ayos lang Pagkakamali ay 'di pa huli Para itama at hindi na kailangan pag-isipan Hindi man madalian ay ayos lang [Verse 3] Pagdating ng araw, lumipas ang buwan Ang 'yong kamalian lalong nadagdagan Ang tubig aapaw 'pag ang baso may laman Napupuno rin tayo dapat nating tandaan Kung may isang dahilan na pumipigil sa'yo May isang daang rason pa rin para gawin mo Kung may isang dahilan na pumipigil sa'yo May isang daang rason pa rin para gawin mo [Chorus] Pagkakamali ay 'di pa huli Para itama at hindi na kailangan pag-isipan Hindi man madalian ay ayos lang Pagkakamali ay 'di pa huli Para itama at hindi na kailangan pag-isipan Hindi man madalian ay ayos lang [Outro] 'Wag magmadali, 'wag magmadali ('Wag) Baka mamali, baka mamali (Baka) 'Pag nagkamali ay 'di pa huli Itama 'di kailangan pag-isipan 'Wag magmadali, 'wag magmadali ('Wag) Baka mamali, baka mamali (Baka) 'Pag nagkamali ay 'di pa huli Itama 'di kailangan pag-isipan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Honcho