Sa Diyos Lamang Mapapanatag

Lyrics
[Chorus] Sa Diyos lamang mapapanatag Ang aking kaluluwa Sa Kanya nagmumula Ang aking pag-asa at kaligtasan Sa Diyos lamang mapapanatag Ang aking kaluluwa Sa Kanya nagmumula Ang aking pag-asa at kaligtasan [Verse 1] O Diyos, Ikaw ang aking kaligtasan Nasa 'Yo aking kalwalhatian Ikaw lamang aking inaasahan Ang aking moog at tanggulan [Chorus] Sa Diyos lamang mapapanatag Ang aking kaluluwa Sa Kanya nagmumula Ang aking pag-asa at kaligtasan [Verse 2] Paniniil, 'di ko pananaligan Puso'y 'di ihihilig sa yaman Kundi sa Diyos na makapangyarihan Na aking lakas at takbuhan [Chorus] Sa Diyos lamang mapapanatag Ang aking kaluluwa Sa Kanya nagmumula Ang aking pag-asa at kaligtasan [Verse 3] Poon, Ika'y puno ng kabutihan Pastol Kang nagmamahal sa kawan Inaakay sa luntiang pastulan Tupa'y hanap Mo kung mawaglit man [Chorus] Sa Diyos lamang mapapanatag Ang aking kaluluwa Sa Kanya nagmumula Ang aking pag-asa at kaligtasan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Danilo B. Isidro SJ