Pagsibol

Album cover art for "Pagsibol" by Himig Heswita

Himig Heswita - Pop, Philippines

Pagsibol

5.9K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Bawat huni ng ibon sa pag-ihip ng amihan Wangis Mo'y aking natatanaw Pagdampi ng umaga sa nanlamig kong kalamnan Init Mo'y pangarap kong hagkan [Chorus] Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay Puso'y dalisay kailan pa man Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay Sa sumasaimbayong kaginhawahan [Verse 2] Nangungulilang malay binulungan ng tinig Mong Nagdulot ng katiwasayan Paghahanap katwiran, nilusaw Mo sa simbuyong Karilagan ng pagmamahal [Chorus] Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay Puso'y dalisay kailan pa man Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay Sa sumasaimbayong kaginhawahan [Chorus] Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay Puso'y dalisay kailan pa man Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay Sa sumasaimbayong kaginhawahan [Outro] Dalangin pa sana'y mapagtanto kong tunay Kaganapan ng buhay ko'y Ikaw lamang

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Fr. Arnel Aquino SJ