O Diyos Iniibig Kita

Lyrics
[Verse 1] O Diyos, iniibig, iniibig Kita Hindi dahil lamang sa'king pag-asa Na aking makamtan ang langit kong pita At 'di rin dahilan sa pangamba Na kapag Ikaw ay hindi ko sininta Ay ako'y ang aking kakamting parusa [Verse 2] O Hesus, narito ang dahilang tunay Ng aking pag-ibig na lubhang dalisay Dahil sa sala ko, buhay ko ay inalay Sa dusang mahapdi't dustang pagkamatay Tiniis Mo'y pako, sibat, at paghalay Pawis, kiro't sakit na walang kapantay [Verse 3] Tunay na marapat na Kita'y mahalin O Hesus na lubhang nagmamahal sa akin 'Di dahil sa langit na'king mithiin O takot sa apoy na lubhang malagim [Verse 4] 'Di dahil sa gawad na nais kong kamtin Hindi dahil dito Kita iibigin Kung paanong ako ay iniibig Mo Gayun din ang pag-ibig sa'Yo Ang tanging dahilan ng lahat ng ito Ay pagka't Hari Ka at tunay na Diyos ko [Outro] Tunay na Diyos ko
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Eduardo Hontiveros SJ