Honti Medley - Kahanga-Hanga, Kaibigan Kapanalig, Sa Dapit Hapon, Pananagutan

Album cover art for "Honti Medley - Kahanga-Hanga, Kaibigan Kapanalig, Sa Dapit Hapon, Pananagutan" by Himig Heswita & Fr. Chris Dumadag SJ & Veepee Pinpin & Fr. Peter Pojol SJ

Himig Heswita & Fr. Chris Dumadag SJ & Veepee Pinpin & Fr. Peter Pojol SJ - Pop, Filipino

Honti Medley - Kahanga-Hanga, Kaibigan Kapanalig, Sa Dapit Hapon, Pananagutan

2 Plays

View Album

Lyrics

[Verse 1: Kahanga-Hanga] Kahanga-hanga ang Iyong pangalan O Panginoon, sa sangkalupaan Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan Sa buong kalangitan [Verse 2: Kaibigan, Kapanalig] Ang atas Ko sa inyo, mga kaibigan Ko Ay magmahalan kayo tulad ng pagmamahal Ko sa inyo May hihigit pa kayang dakila sa pag-ibig na laan Ialay ang buhay alang-alang sa kaibigan Kayo nga'y kaibigan Ko kung matutupad ninyo ang iniaatas Ko [Verse 3: Sa Dapit Hapon and Kaibigan, Kapanalig] Tuwing dakong dapithapon, minamasdan kong lagi (Ang atas Ko sa inyo, mga kaibigan Ko) Ang paglubog ng araw, hudyat ng takip-silim (Ay magmahalan kayo tulad ng pagmamahal Ko sa inyo) Ganyan ang aking buhay, kung may dilim ang buwan (May hihigit pa kayang dakila sa pag-ibig na laan) Hihiwa't sa baybayin sa pagsapit ng dilim (Ialay ang buhay alang-alang sa kaibigan) [Verse 4: Pananagutan] Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang [Refrain 1: Pananagutan] Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa (Ikaw ay Pilipino, ikaw ay kapwa ko) Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya (Ikaw ay kapatid ko at ika'y pananagutan ko) [Verse 5: Pananagutan and Kaibigan, Kapanalig] Sabay-sabay nang mag-aawitan ang mga bansa Tayo'y tinuring ng Panginoon bilang mga anak (Ang atas Ko sa inyo, mga kaibigan Ko) [Refrain 2: Pananagutan and Kaibigan, Kapanalig] (Ay magmahalan kayo tulad ng pagmamahal Ko sa inyo) Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa (Ay magmahalan kayo tulad ng pagmamahal Ko sa inyo) Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya (Ay mgmahalan kayo tulad ng pagmamahal Ko sa inyo) Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa (Ikaw ay Pilipino, ikaw ay kapwa ko) (Ay magmahalan kayo tulad ng pagmamahal Ko sa inyo) Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya (Ikaw ay Pilipino, ikaw ay kapwa ko) [Outro: Kahanga-Hanga] Kahanga-hanga ang Iyong pangalan O Panginoon, sa sangkalupaan Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan Sa buong kalangitan, sa buong kalangitan (O Diyos, aming Ama) Kahanga-hanga ang Iyong pangalan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Fr. Eduardo Hontiveros SJ
  • Traditional