Halina, Lumapit sa Akin

Lyrics
[Verse 1] Kaibigan, tantuin mong isang paglalakbay ang buhay Sanga-sangang landas ay may kahirapan Kung ang lungkot o panganib sa yo'y biglaang dumalaw O kung ikaw ay mapagod sa bigat ng iyong pasan Panginoon ang balingan, Panginoon ang asahan [Chorus] Wika Niya'y, "Halina, lumapit sa Akin Kayong mga napapagal, Aking pagiginhawain Bigat ng inyong pasanin ay Aking pagagaangin Halina kaibigan, lumapit sa Akin" [Verse 2] Kaibigan, tantuin mong isang paglalayag ang buhay Maalon ang dagat at may kalaliman Kung may unos at may hanging 'di mo kayang paglabanan At sa gabing kadiliman, ni tala ay walang tanglaw Panginoon ang balingan, Panginoon ang samahan [Chorus] Wika Niya'y, "Halina, lumapit sa Akin Kayong mga napapagal, Aking pagiginhawain Bigat ng inyong pasanin ay Aking pagagaangin Halina kaibigan, lumapit sa Akin"
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Traditional