Walang Ibang Hangad

Lyrics
Wooh Pa'nong di mapapakanta 'pag ang buhay ay puspos ng ganda? Pa'nong mananahimik lang sa biyayang nakamtan? Kaibigan at tinig, kulay at himig Iisang pinagmulan, iisang dahilan Wooh Pa'nong di magagalak? Nasilayan ang 'Yong mukha Wooh Tawag ng kalooban ko'y ipagdiwang ang nadarama Tuwa't pananalig, pag-asa't pag-ibig Iisang pinagmulan, iisang dahilan Wooh Walang ibang hangad kundi awitan Ka! Awitin ng papuri't pasalamat sa Iyo Nang makita ng buong mundo Ang pag-ibig at kadakilaan Mo Habambuhay isa ang hangad Umawit sa 'Yo Wooh Pa'nong di mapapahiyaw pag damdami'y umaapaw? Pa'nong di ihahayag kaligtasang natuklasan? Nang maparangalan, at matularan Iisang pinagmulan, iisang dahilan Wooh Walang ibang hangad kundi awitan Ka! Awitin ng papuri't pasalamat sa Iyo Nang makita ng buong mundo Ang pag-ibig at kadakilaan Mo Habambuhay isa ang hangad Habambuhay isa ang hangad Habambuhay isa ang hangad Umawit sa 'Yo Wooh
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Paulo Tirol