Pieta (Oyayi Sa Paanan Ni Hesus)

Album cover art for "Pieta (Oyayi Sa Paanan Ni Hesus)" by Hangad

Hangad - Pop, Philippines

Pieta (Oyayi Sa Paanan Ni Hesus)

2 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

Ave Maria, gratia plena Sancta Maria, mater Dei Kay lamig na ng hangin Lumalatag ang dilim 'Di maabot ng tingin itong lagim Narito ang 'Yong ina Damhin Mong yakap-yakap Ka Sa kandungan ko, Sinta Mapanatag Ka, Sinta Nais ko'y pagmasdan Ka sa 'Yong pamamahinga Minsan pa'y iduyan Ka, awitan Ka 'Di ko man nababata, puso ko'y lumuluha Sa Iyong pag-iisa, sasamahan Ka At hihilumin ang brasong sugatan Papawiin mga luha Mong taglay Lilinisin, mukha Mong dinumhan Paagusin ang luha kong alay Madama ko man mga tinik Yayakapin Ka nang mahigpit, Giliw Ihehele't iduduyan Ka Mahimbing na, tapos na Aking Ama! Ako'y nilisan Mo na ba? Bigyang liwanag, alipin Mong aba Tinalikuran Mo na ba? Dinggin ang panalangin ko, Ama! Sumasamong pagpalain Mo Nang minsan pa'y masabi ko sa'Yo Ako'y alipin Mo; sundin ang loob Mo, Ama ko At hihilumin ang brasong sugatan Papawiin mga luha Mong taglay Lilinisin, mukha Mong dinumhan Paagusin ang luha kong alay Madama ko man mga tinik Yayakapin Ka nang mahigpit, Giliw Ihehele't iduduyan Ka Mahimbing na, tapos na

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Paulo Tirol