Tula

Album cover art for "Tula" by Gloc-9

Gloc-9 - Rap, Pop

Tula

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[intro] Yeah Marahil ay iniisip niyo kung anong klaseng awitin ang inyong maririnig Mga kakaibang awiting hango sa buhay ng isang tao na kung tawagin ay si Gloc-9 La la la la la la la la la la la la la [Verse 1] Nagsimula ang lahat ng aking hawakan ang lapis at papel, ako si Aristotle 'Sang studyante na tulad lang ng iba, walang magarang gamit o pera, ganon lang talaga ang buhay Ngunit nang ako'y nagsimulang tumula Ang lahat ay nabigla ako ang nasa gitna At nalaman ko ang landas na aking dapat tahakin Sinimulan kong hanapin ang buhay na para sa 'kin Ngunit 'di naging madali ang napili kong kapitan Parang sumakay ng bus na siksikan sa may Dapitan Puno ng pawis at luha ang sa 'kin ay humamon Para kang natatabunan pilitin mo mang bumangon 'Di naglaon ay puno na ng latay aking likod Para lang sa mikropono lumalakad ng paluhod Ngunit 'di ako nagpatalo kahit ano mang sabihin Ng mga taong 'di naman nakakakilala sakin eh [Chorus] Sa 'kin ay makinig ng inyong malaman Ang bawat nilalaman ng aking isipan Sa 'kin ay makinig ng inyong malaman La la la la la la la la la la la la la [Verse 2] Di niyo alam kung ano ba ang pinagdaanan ni Gloc Masahol pa sa kalsada na punong-puno ng lubak Umiiyak ako patuloy na nananalangin sumulat pa nang sumulat pinilit paring aralin Nang sa, ngayon ay may makapansin sa 'king boses na parang binaggit mo ang pangalan ni Gaby Lopez (patay) At di naglaon ay parang unti-unting nararating Ako'y biniyayaan ng dalawang buhay kong hiling Ngayon ay wala nang makakapigil, ako ay nanggigigil Gusto mo mag-rap ako ang teacher at ikaw ang pupil Tama na'ng pagalingan, tama na'ng paligsahan Eto ang album ko may bago kang pag-aaralan Sino ang amo mo sabihin sa kanya to Di uubra lahat nang uhugin nyang liriko Sa aking mga kaibigan ako'y nagpapasalamat Lagi niyong isipin na hindi masama ang mangarap [Chorus] Sa 'kin ay makinig ng inyong malaman Ang bawat nilalaman ng aking isipan Sa 'kin ay makinig ng inyong malaman La la la la la la la la la la la la la (2x) La la la la la La la la la la La la la la la Yuh, yuh

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9