Ipagpatawad Mo

Album cover art for "Ipagpatawad Mo" by Gloc-9 & Dzing Macanaya

Gloc-9 & Dzing Macanaya - Rap, Pop

Ipagpatawad Mo

42.3K Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Verse 1: Dzing Macanaya, Gloc-9] Ipagpatawad mo aking kapangahasan Ang damdamin ko sana'y maintindihan Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo Ipagpatawad mo ako ma'y naguguluhan 'Di ka masisi na ako ay pagtakhan 'Di na dapat ako pagtiwalaan Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo Ipagpatawad mo minahal kita agad (Mic check 1, 2) [Chorus: Dzing Macanaya, Gloc-9] Ahh, minahal kita agad Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to Ahh, minahal kita agad Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo Ahh, minahal kita agad Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay Ahh, minahal kita agad Sa aking pedikab, ako'y maghihintay [Verse 2: Gloc-9] Nang ikaw ay unang beses kong masilayan 'Di ko malaman bakit nagkaganito Inutusan lang naman ako ng aking inay Na pumunta nang palengke't bumili ng pito-pito Sinigang sa miso, ang ulam namin sa umaga Tanghali, hapunan abutin man nang gabi Pabalik-balik mang lumakad sa harapan nang inyong tindahan Kahit wala akong pera na pambili Nilakasan ang loob at nilapitan kita Baka sakali na pwede kitang maimbita Kahit 'di gaanong maayos ang aking suot Ang polo ko na kulubot, pagkatapos ako'y nagsalita Mawalang galang na miss, teka 'wag kang mabilis Lumakad, pwede ba kitang maihatid? Gamit aking pedikab na aking pinakintab 'Wag ka nang magbayad sana sa akin ay bumili Ako nang magdadala ng payong at ng bag mo Palaging kong pupunasan ang mga libag mo Kahit 'di ako ang pinapangarap, hinahanap 'Pag kaharap ay palaging binibihag mo Ang katulad kong maralitang umiibig At pilit na inaabot ang mga bituin Ga'no mang kadaming salitang aking ipunin Balutin, ilihim, sabihin ang tangi kong hiling Makinig ka sana sa'kin [Chorus: Dzing Macanaya, Gloc-9] Ahh, minahal kita agad Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to Ahh, minahal kita agad Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo Ahh, minahal kita agad Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay Ahh, minahal kita agad Ang aking sidecar laging naghihintay [Verse 3: Gloc-9] Halika na sa'king pedikab, girl Sa'kin main-love, girl, ipapadama ko sa'yo Habang umaandar aking pedikab, girl Laging sa'yo lang, girl, pag-ibig ko na ganito Kahit ano pang iyong gustong gawin Kapag nababagalan ay kayang-kaya ko nang pabilisin At kahit na ano pang hirap ay hindi ko pansin Mga daan na matarik ay aking pepedalin Palaging ikaw ang nilalaman nang aking isipan Mapa-araw man o mapa-gabi, 'di ka idadaaan sa putik 'Kaw lamang ang nakaukit sa puso ko kahit mapasa-isang tabi Sa pagsikat nang araw, inaabangan ka na Makita lamang ang iyong mga magandang mata Palagi ko dinadalangin kahit 'di mapasa'kin Ay lagi kong sinasabi na mahal kita Pero ang buhay ay talagang napakapait 'Di pwedeng sumabay ang tag-ulan sa tag-init Bakit laging minamaliit, 'di ko pwedeng makamit Ang katulad mo pilitin ko mang dumikit Pasensya ka na sa wallet ko na manipis Sa mumurahing pabango na 'di mo matiis At kung hindi talaga pwede sabihin lamang sa akin Asahang hinding-hindi ako maiinis Dahil tubig at langis [Chorus: Dzing Macanaya, Gloc-9] Ahh, minahal kita agad Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to Ahh, minahal kita agad Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo Ahh, minahal kita agad Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay Ahh, minahal kita agad Sa aking pedikab, ako'y maghihintay Ahh, minahal kita agad Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to Ahh, minahal kita agad Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo Ahh, minahal kita agad Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay Ahh, minahal kita agad Ang aking sidecar laging naghihintay [Outro: Dzing Macanaya, Gloc-9] Ahh, minahal kita agad Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay Ahh, minahal kita agad Sa aking pedikab, ako'y maghihintay

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9