Torpedo

Lyrics
[Intro] Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita [Verse 1] Tandang-tanda ko pa simula pa nang mga bata pa tayo Una kang nasilayan nang lumipat ka saming baryo Nilapitan ka't kinausap at tayo'y naging magkaibigan Lagi mong kakwentuhan sa manggahan na ating tambayan 'Di ko alam kung bakit damdamin sadyang napalapit Gustuhin ko mang sabihin ako'y kaibigang matalik Ng lalaki na sayo'y gabi-gabi ang panliligaw Ika'y sakin nagtanong at para bang nagpahapyaw Na ako ang syang nakakaalam kung ano ang mas tama Kung oo o hindi at kung saan ka liligaya At sinabi kong ang taong 'ya'y mapagkakatiwalaan 'Di ka sa 'kin sumagot nabalitaan ko na lang [Chorus] Wag mo na akong pilitin Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi Walang dapat ipagtaka Ako ay pinanganak na torpe Sa ayaw at hindi [Verse 2] Lumipas ang sampung taon, nasa Maynila ka na raw Hindi kayo nagkatuluyan may trabahong 'di sa araw At kinukulayan ang mga labi mo sa gabi Upang takpan ang iyong lungkot at ang luha sa iyong ngiti Ako'y nagsisi, kung alam ko lang di sana'y noon pa Hindi ko na pinagpaliban ang aking nadarama Kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon Ibabalik ko kung ano man ang meron tayo noon Isisigaw ng malakas hindi ko na ibubulong Damdamin ko para sa'yo dalangin sana'y may tugon Nang ang noon ay mahawakan at makasama ngayon Hanggang bukas at sa marami pang susunod na taon [Chorus] Wag mo na akong pilitin Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi Walang dapat ipagtaka Ako ay pinanganak na torpe Sa ayaw at hindi [Verse] Isang gabi habang ako'y nakaupo sa harapan Ng aming bahay at tila ba nakatulala sa buwan Ay may isang babae na saki'y lumapit at nagsalita Hindi nakapagsalita ako'y napatulala Lubos ang aking ligaya hindi makapaniwala Siguro'y panahon na upang kami ang magkasama Hinawakan ko ang kanyang malambot na palad Singsing na may bato ang sa akin ay tumambad Ikaw pala'y ikakasal at sa 'kin ay magpapaalam Di na nakuhang sabihin at sayo'y ipaalam Ang tunay kong nadarama bakit parang alam mo na Sa pagtalikod ay may tumulong luha sayong mata [Chorus] Wag mo na akong pilitin Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi Walang dapat ipagtaka Ako ay pinanganak na torpe Sa ayaw at hindi [Outro] Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ely Buendia
- Gloc-9