Demo Tape (Interlude)

Lyrics
Isang araw papunta ako sa bahay ng aking tropa Kasi sabi nya 'tol heto na meron na 'kong nakuha Na drum machine para ma-record na natin ang rap mo Tara na bilisan mo bago pa dumating ermat at erpat ko Sige bumili ka ng blank tape Magbaon ka ng hotcake Wag ka nang mag-doorbell 'di naman naka-lock ang aming front gate Lumipas ang ilang oras at sa wakas ay limang kanta ang aming natapos Agad akong umuwi samin nagbihis at isinuot ang sapatos na Luma't mabaho ay pudpod ang swelas pa Aalis na 'ko 'Nay Sige mag ingat ka Sumakay ako ng jeep Ako'y inantok at agad akong napapikit Isang oras ang dumaan di ako nainip 'Eto nga pong bayad Dyan na lamang ako sa tabi o sige na dali Ako'y bumaba sa Cubao Fishball na medyo hilaw Ang tanghalian ko wow! Sana ay di maligaw Dahil eksakto lang ang dala kong pamasahe 'Di pa 'ko sumisweldo at 'di pa rin nakabale Sa amo ko na masungit Amo ko na kuripot Amo ko na walang alam gawin kundi umikot at maghanap ng mali na ginawa ng kanyang mga tauhan Ang sarap mong sampalin at ang sarap mong batukan hops! Mabalik tayo sa Cubao Matapos ang tanghalian kong fishball na hilaw hoy! Parang kulang yatang pera na 'yong inabot Natapunan pa ng toyo'ng polo kong suot Pasensya na ok lang pero nakasimangot Binigyan na lamang ako ng dalawang balot Tapos naglakad ako papunta sa lugar na kung saan Ay nandoon ang record label na Susubukang mapasok at maibigay Ang demo tape ko na ito malapit na ako Nandito na ako Papasok na ako Kinakabahan ako pero ito talaga ang gusto kong gawin Ang maging rap star na parang rockstar Magandang sports car kaso lang may guard Saan ka pupunta? Meron po akong demo tape na dala Pero alam ba nila teka sino ka tumawag ka na ba Iniintay ka ba pano yan di pala?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9