Salbahe

Lyrics
[Chorus] Lagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo Huli ka, 'wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa langgaman dapat itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa langgaman dapat itali [Interlude] Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento Malamang ay 'yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo [Verse] Mga kapit-bahay ko si Kadyo, ugali niya'y tabingi medyo Sa umaga'y pabili neto, sabay tungga sa bote ng anyeho Bakit di pa ikaw ang nadedo, yun pang kapatid mo na si Beto Na wala nang ginawa kundi kumayod para ang maysakit kumpleto Di tulad mo na lasenggo, palaging nasa basag-ulo Ikaw ay suki ng kalaboso, ang laging nasa puno't dulo Kadalasan pa ika'y bastos, di ka marunong magkuskos Isip-bata ka pa sa musmos, mukha ka na parang may luslos Kailan ka pa magbabago, eh paano? Kung wala nang maniwala sa mga nagreklamo [Pre-Chorus] Alam ko ang pwede mong sabihin sa akin ay 'Wag kang makialam At ang lahat ng mga nangyayari sa bahay O buhay mo'y di ko alam Pero pano ba yan, palaging tandaan Ito ay kanta ko hindi ba? Kaya wala ka nang magagawa Narito na ang Tanya Markova [Chorus] Lagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo Huli ka, wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa langgaman dapat itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa langgaman dapat itali [Interlude] Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento Malamang ay 'yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo [Verse] Itong guro ko na masungit, pangala'y Ginang Buenaofra Parang ayoko nang pumasok kasi kung makatingin ay parang kobra Pinag-iinitan, ginigisa, ako'y animo'y talong na tinorta 'Di na nga matapos sa pagsusulit , wala pang makuha na suporta 'Pag minamalas ay merong batok, pag napalakas ay parang dagok Kaliwa man o kahit na kanan, parang 3 points ni Ronnie Magsano Ang pabaon lagi ay kurot , dapat mataas ang marka sa bunot Buhok ay sanay na sa pagkasabunot kaya noo'y napako sa pagkakunot Mawalang galang na po Ma'am, di po ba kayo makaramdam Sino pong may sabing ang mga pananakit niyo'y parang kagat lang ng langgam? [Pre-Chorus] Alam kong pwede niyo po, sabihin sa akin ay wag kang makialam At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam Pero pano ba yan, palaging tandaan Ito ay kanta ko hindi ba? Kaya wala ka nang magagawa Narito na ang Tanya Markova [Chorus] Lagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo Huli ka, wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa langgaman dapat itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa langgaman dapat itali [Interlude] Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento Malamang ay yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo [Verse] Pinakikilala ko sa inyo kaibigan kong si Onse Kasi palaging may sipon, jumi-jingle dun sa kahit saang poste At kahit pa sa edad na dose, madami na siyang nalooban na kotse Palakad-lakad sa Mabalakad, nilalapitan kahit na sinong prospe 'De bang makahingi sa'yo ng kahit na konti, akin na'ng bente pesos Kasi pambili ng gamot para po sa kapatid ko na si Remedios Pero ang totoo po niyan, para hindi kumalam ang kaniyang tiyan Sa tindahan ng semento pagbilhan, ng pandikit ng sapatos, oh ayan! E' e' e' enhale exhale Pwede ba tigilan mo na nga yang rugby Hindi ba tama naman ako? Sabi nga ng tatay mo sa 'kin "Exactly!" [Pre-Chorus] Pero alam kong ang pwede mong sabihin sa akin Ay wag kang makialam At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam Pero pano ba yan, palaging tandaan Ito ay kanta ko hindi ba? Kaya wala ka nang magagawa narito na ang Tanya Markova [Chorus] Lagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo Huli ka, wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa langgaman dapat itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa langgaman dapat itali
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9