Buti Na Lang

Lyrics
Chorus: Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon Malalaman ng iba na puro angas ka lang Buti na lang hindi ako mayabang Buti na lang hindi ako mayabang Verse 1: Kasi sabi ng aking Itay, Anak 'wag ka magyayabang 'Wag mong buhatin ang bangko kahit medyo magaan 'Di pa napipisa ang itlog ay 'wag kang magbilang 'Wag mong ibenta ng mahal kung ang timpla ay matabang 'Wag kang magmamagaling kung hindi ka magaling 'Wag mong doblehin ang pera mo kung hindi ka duling Kasi halata naman at napag-aalaman Kapag binuksan ang tinapay manipis ang palaman Mas mabuti pang iba ang siyang nakakapuna Sa huli mong ginawa wala pang nakakabura Ikaw ay nakakaburaot para kang kulangot Na mahirap dukutin kasi medyo malapot Sige ipagpalagay natin na ikaw ay nakakaangat Puro mamahalin ang dumadampi sa 'yong balat Kailangan bang ipagkalat sumigaw hanggang sa mamalat Kahit magulang mo lang ang nagbigay sa 'yo ng lahat-lahat Chorus: Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon Malalaman ng iba na puro angas ka lang Buti na lang hindi ako mayabang Buti na lang hindi ako mayabang Verse 2: Sabi ng aking Inay, 'Wag mong tawanan ang pilay Wala kang karapatang magalit kung hindi ka nagbigay Sa mga namamalimos, mga naghihikahos Paggising ay trabaho hindi pa naghihilamos Teka mali hilamos para mai-ayos Wala ngang tsinelas pa'no magkakasapatos 'Wag mong ipagmalaki na ika'y pinarangalan Alam naman natin na kalaban mo'y dalawa lang Ilang taon ang dumaan lahat ay pinag-abang Ibaba mo ang 'yong kamay bakit laging nakaharang (Representing South Side) Masorpresa mga bato sabay bati Sa kapitbahay niya do'n sa monumento Malabo pa sa TV-ing sira ang antenna'y nakagiba Ayos lang namang suutin ang sombrerong pakabila Basta't alam mo lang na talampakan mo'y nakasayod sa lupa Para 'di ka madulas bago ang alikaboking lupa Chorus: Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon Malalaman ng iba na puro angas ka lang Buti na lang hindi ako mayabang Buti na lang hindi ako mayabang Verse 3: Madami akong pera magaling ako na rapper Ang katropa ko ay ang pinakamatapang na gangster Nakapila mga chicks pero hindi yong manok Yong tipong mga sexy at mahahaba ang buhok Madami ko nang award dala ng aking bodyguard Hindi umiinom ng beer yung lang mamahaling na heart Kita mo tong mga bling bling e pero maningning Mga plakerang album nakasabit sa dingding Magara aking auto bumabayaw ang cells ko Hindi ito commercial homie ang the prize to Madami akong pera magaling ako na rapper Yan aking mga fans tingnan mo dito sa Friendster
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9