Kuya Cesar

Album cover art for "Kuya Cesar" by Gloc-9 & A$tro (PHL) & Abaddon

Gloc-9 & A$tro (PHL) & Abaddon - Rap, Philippines

Kuya Cesar

2 Plays

Duration: 4:41

View Album

Lyrics

Language:

[Chorus: Gloc-9] Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan Halika dito, huwag kang kabahan Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan Huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan [Verse 1: Gloc-9] Ang daming tao nung ako ay dumating Pero aninag mga mukha kahit sa dilim Iniisip ano kaya ang pwedeng kantahin Mamaya pa naman yata ako, maaga pa din Kasi bawal ang 'di umabot sa pinag usapan Dapat ay di ka madamot, bawasan ang yabang Nakaupo, naghihintay sasabihan na lamang Inalok ako ng alak, tumangging magalang Pasensya na kuwarenta na, kunwari Kasi kulang yan ng pito, hindi ko din ugali Ang mag-lasing kapag nasa trabaho, may sumagi Tapos ikaw ang natanaw tila papauwi Akala mo siguro di ako pupunta dito Kaso pumayag sa usapan, meron pang resibo Hindi ako yung tipo na tao na agresibo Kaso kailangan nating mag-usap, halika dito [Chorus: Gloc-9] Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan Halika dito, huwag kang kabahan Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan Huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan [Verse 2: A$tro] Karapat dapat ng manduhan, ang dami nang pabor Puro sagasa na, gago 'yan! Kasawa maghabol Akala yata kami't laruan, ibahin mo 'ko doon Kung yung kwento mo hilaan, ako mapagpatol Panay patama kalang sa 'kin, ang babaw ng sinalin Pero 'pag ako bumuwelo, ika'y makakain Sisingaw yung baho, kahit na itago Pabago-bago ng kaibigan, halata masyado Dumarami ang kapalpakan, at atraso 'Di na kita kayang sagipin, abunado Busugin ng pangangaral 'yan, hanggang matuto Kung hindi pa, dapat tablahin, laki ng ulo Ngayon, damang dama mo na ang salita 'Wag lang sana sasama ang iyong loob Binalik ko lang, at pinapamukha Paliit nang paliit na yung bilog [Chorus: Gloc-9] Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan Halika dito, huwag kang kabahan Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan Huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan [Verse 3: Abaddon] Pare, kailangan nating magusap, halika dito Bago ko pa makurot at masampal 'yang pisngi mo Nang 'sang balot ng isang libong tig-lilimang piso Ngayon sa 'kin mo sabihin, 'di kung kani-kanino Ang dami mong talkshit, napaka-toxic Mo naman lodi, pare huwag ako, don't me Lalakeng marites dapat pangalan mo'y Tolits Bunganga mo boss, sarap buhusan ng Bostik Bakit di ka makatingin? Puro ka iling Para kang binging 'di makadinig Ang sarap mong bitin tapos ihian ang bibig 'Kala mo di kita bibilin, ha? Bakit ka nanginginig at nangingilid ang luha mo Ba't dibdib biglang naninikip? Pasalamat ka kay San Miguel, kahit ang sarap mong mapisil Ay marunong parin akong magpigil At 'di tayo parehong mag-isip Kahit bali-baliktarin, pare 'di tayo magka-lebel Pero sana huwag mo'ng antayin pa na'ng paningin ko ay magdilim [Chorus: Gloc-9] Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan Halika dito, huwag kang kabahan Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan Huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan Halika dito, huwag kang kabahan Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan Huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9
  • A$tro (PHL)
  • Abaddon