Ambag

Album cover art for "Ambag" by Gloc-9 & Shockra

Gloc-9 & Shockra - Rap, Philippines

Ambag

31.3K Plays

Duration: 8:45

View Album

Lyrics

Language:

[Intro: Gloc-9] Haaaaaaaaah Haaaaaaaaah Hayaan niyong ibalik ko nang buo lahat ng ambag niyo Kung mamarapatin lang sana ngayon, isali niyo ako [Verse 1: Gloc-9] 1997, No'ng lumapag ang lagapak ni Gloc 'Di ako makapaniwala, laman ng mga song hits, ano 'yan, hip-hop? Rap-rapan, palawakan, talamak ang salitang pinapaindak 'Di naman puwedeng maging breakdancer na rapper, mag-alba't Tick Tock Kasi 'di talaga kaya, madayang tadhana, bintanang puro "sana" ang tanaw Kaya pa kayang makilala, maalala, kahit ang salang ay hilaw? Hanggang sa nadinig ko na may mga bata na sa 'kin ay sumusubaybay Lumulupaypay ng mga katagang nananalaytay Nakita ko si Abaddon do'n, sa radyo pa noon On-air lang ang siyang labanan, wala pa nga 'kong cellphone Parang si 2Pac, si Tuglaks, siksikan, halos matulak Apir, tapos nag-usap, at nagkahimayan ng utak Kahit walang gang-gang, 'di sanay sa bang-bang Bumilib sa 187 Mobstaz, galing din Kasi 'di ito tsamba, parang Kobe na Mamba Ipagkalat mo na nagsama si Gloc-9 at Shockra [Chorus] Hayaan niyong ibalik ko nang buo lahat ng ambag niyo Kung mamarapatin lang sana, ngayon isali niyo ako Hayaan mong ibalik ko nang buo, patawarin niyo ako Kung napaaga lang (Kung napaaga lang), at may nakakaalam (May nakakaalam) Siyam tayo at 'di walo [Verse 2: Abaddon] Nagsimulang tumula no'ng mga panahong tinatawanan pa Ang katulad ko kapag kami napapadaan na sa may kanto Malalang tuksuhan, mistulang may putik ka sa mukha mo 'Di mo tuloy malaman kung sumpa ba 'to o 'sang regalo? Minamaliit pa ang tugtugan namin Sa'n daw nanggaling ang aming trip, ta's pormahang alanganin Nababaduyan ang tropa, walang gustong sumuporta Pero pinilit tahakin ang daang walang direksyon at maraming kontra Buti na lang mayro'ng napakinggan na Aris Tinuring pamantayan sa paggamit ng papel at lapis Bumuo ng samahang sumunod sa mga bakas niya na naiwan Sinigurado na 'di mapapahiya kapag kaniyang napakinggan Sulit ang matagal niyang pag-asam at pag-abang Tadhana na ang gumalaw ng sakalam na paghakbang Alam kong pinangarap mo din 'to na maganap Nawala man ang ika-walo, pero dumating ang ika-siyam [Verse 3: Crazymix] Labing-anim ako no'ng nadinig, isang makata na walang kasing tulin ang bibig Do'n ako napabilib, habang kinikilig, iniisip ko ako si Gloc-9 sa aking silid Play, pause, rewind, habang sinusulat ang mga kanta mo kahit na mapuyat Ay kinakabisado ko ang bawat bitaw sa Walkman kong malapit nang ma-lowbat Hanggang sa nakagawa na din ng tula, mga salita na magkakatugma Ni-rap ko nang mabilis sa boses na manipis, halata 'to kay Aris 'to nakahulma At naging Crazymix na ang dating Mico, salamat Sisa, Crispin, Bassilyo Nakasama ko na din si Francis M, D-Coy, at Aristotle Pollisco At sa bilis ko may mga nagalak, mga natanggap na mga palakpak Ang galing-galing ko na nga daw mag-rap, gayang-gaya ko na nga daw si Gloc Hanggang sa naisip kong medyo mali 'to, na makisilong lang sa iyong anino Okay lang na ikaw pa din ang idol ko pero binago ko boses ko't istilo At nabuo ang banda, pangratratan ang genre Walong Sumpa na mga panggulat na tinawag na Shockra Ambag mo'y apoy kung ba't nagagawa ko, sumunog ng mikropono sa entablado Ikaw ang patunay na 'di malabo na maging makata ang simpleng tao [Verse 4: Flict-G] Dumating na ang oras na itinakda ng tadhana bago 'ko tumanda Para 'pag natupad ito, dapat handa ka palagi na malapag ang pinakamalakas mo na akda Na tumatagos sa mga bunbunan ng mga kumpulan Sa tambayan ng mga nakikinig, hanggang ngayon kinikilig, mga tao nabibilib dahil sa 'king ability Ang kanta ko binibili, pati na CD, DVD na tumpukan Handa ako lagi makibungguan hanggang sa dumating ako sa sukdulan Nang nais ko na marating na tagumpay, uulit-ulitin ko ulit nang walang humpay Hanggang sa 'di malayo na mangyari na 'yung tagumpay na lang ang kusa na maumay Ah, limit breaker, naka-focus ako lagi sa pagiging greater Kayang-kaya kong rap-pan kahit na ano, tongue twist? "Peter piper pickled pepper" Ano nga ba ang pinakamahusay na kanta? 'Yan ang laging tanong ng napakarami (What?) Bigyan mo kami ng Gloc-9 sa tagiliran, tatapusin namin ang mga debate Aming sasagarin ang mga piyesa, 'di magpapadaig 'to, mga repa 'Di patatagalin, mabilis kakanain, akin nang kakalampagin mga tenga Lupaypay, gutay, ang sino mang humarang sa mga ambag ko, goodbye 'Di maumay abutin ang mga pangarap ko na talagang makulay [Verse 5: Tuglaks] Gan'to nagsimula ang pangarap ng isang Batang mahilig tumula, pinagtatawanan Walang bumilib, gustong makinig, kaya sa silid nagra-rap mag-isa Ang 'di niya lang alam ay pinapakinggan siya na palihim ng kaniyang ina "Anak, may dala ako na cassettе tape Nabili ko sa Odyssey, Kings Of Da Underground ng Dеath Threat" Sinalpak agad, unang bungad ay agad na bumaliktad Napa-"Oh my God", volume ay sinagad nang marinig kong mag-rap si Gloc-9 "G" to the "L" to the "O" to the "C" dash 9, nabaliw ako sa flow ni Gloc-9 A to the K to the 47, 24/7 ako nagsanay Hanggang sa silid, lumabas na, 'yong mga hindi bilib, napahanga Tuglaks na ngayon, ang bata noon, tumpak ako 'yun Malabon Thugs, 187, Shockra, 'di tumigil, nainip, nagtiyaga At pinangako kay Inozent One na gagalingan Hanggang sa makasama namin sa isang kanta, alam ko si Ino ngayon masaya Kasi natupad na ngayon ang collab ng Walong Sumpa at ika-siyam na si Masta [Verse 6: Kial] Biglang naggunita, bumalik sa kapanapanabik makumbida Pakiramdam na palaging umpisa, pero 'pag gumana kala mo walang muli pa huli na Kung sumagad ay 'di na maaninag, 'yung makatang tahimik kanina Na para bang sinapian ng kasalungat ng aliping mahina Pero pirming nagpapakumbaba habang ang pangarap itinataas Husay ang siyang nagdadala, katibayang sa gawa nilalabas Katuwang ng mga nauna, 'yong pambihira manglapas Tangan sa beat, kabit-kabit na tugma ang 'di kumakalas Kahulugan ay lihim, kailangang sisirin Bago ka liparin ng matatalinghagang may sining Na dapat naisin mo na isipin, anumang sabihin, 'di mabibitin Mala-Gloc na 'pag ratrat, AK to the 4 to the 7, iyong sasapitin na Panahon na mismo ang naging saksi 'Pag nag-Shockra, 'matik Beast Mode Ta's may katabi na Aristotle Pollisco Masdan ang anino kung sa'n may Hidden Info, 'bout to kill your ego [Verse 7: Numerhus] Kung meron man akong kinabaliwan, 'yon ay musika mong kinaadikan Kong pinapatugtog, binabalikan, kulang na lang, mga CD halikan Kaya nangarap din ako na maging rapper, damit ko noon sa laki, para bang daster 'Di man nakalapit habang hawak ang marker, sa malayo ay nakasaludo ako, master Mula pa dalawang libo ikaapat, hanggang dalawampu't apat Nakasunod pa rin sa yapak ng nag-iisang Gloc Dahilan kung bakit may mga matuling dila Mga awitin mo na parang hindi ka humihinga Bakit mayro'ng Walong Sumpa na ngayon dinadakila? Dahil sa 'yong mga lagapakan na aming nakita Heto lang, basta walang Masta Gloc-9, walang fast rap Walang Walong Sumpa, shock 'n' rap game, ah-yeah Uh-huh, hindi sa bilis nasusukat, kung 'di sa bigat ng 'yong sulat 'Turing mong kidlat 'pag nanggulat Salamat sa pagpasa mo ng 'yong liwanag Malubak man, musika mo ang siyang pumatag Alam kong ni sa panaginip ay hindi niyo inasahang Magsasama-sama sa awitin ang mga pinag-aralang minsan niyo ng tinawag na idolo, salamat [Verse 8: Smugglaz] Mula "Kings Of Underground", "Domination" hanggang sa "Ako Si", nag-iisa Tunay na lodi petmalu, sa pangkaraniwang rap ay naiiba Hindi niya inakalang 'pag nasa entablado't mic kada bibira Ay may batang Smugg na galing pa sa Mob, pakawala ni Gab na na-inspira Teka, sino 'to? Isa sa tunay na may titulong iniidolo Humanda ka na, par, kapag nagpaandar siya'y rumaragasang behikulo Simbolo, katotohanan na ako'y disipulo Ng mga salin na aral sa mga sinulat mo na bersikulo Magmula pa noon, hanggang sa ngayon, pakiramdam ko ako'y sinasaniban Tulad mo na simpleng taong nagiging halimaw, lapis at papel, taglay na kapangyarihan 'Di pangkaraniwan ang nasa kamay na pag-asa Dahil sa 'yo ay tumapang mangarap na matupad ang mga "sana" Sana balang araw, ikaw ay makasama Hanggang sa dumating, daig pa ang bumahing ng dilat, lumitaw na sa mapa Walang kapantay dala kong galak sa paghihintay kay idol na Gloc Nagbunga na mga binhi mong tanim, at ngayon ay pasasalamat naman ang namulaklak [Chorus] Hayaan niyong ibalik ko nang buo lahat ng ambag niyo Kung mamarapatin lang sana, ngayon isali niyo ako Hayaan mong ibalik ko nang buo, patawarin niyo ako Kung napaaga lang (Kung napaaga lang), at may nakakaalam (May nakakaalam) Siyam tayo at 'di walo Hayaan niyong ibalik ko nang buo lahat ng ambag niyo Kung mamarapatin lang sana, ngayon isali niyo ako Hayaan mong ibalik ko nang buo, patawarin niyo ako Kung napaaga lang (Kung napaaga lang), at may nakakaalam (May nakakaalam) Siyam tayo at 'di walo [Outro: Inozent One] Ah, siyempre, unang-una nagpapasalamat kami sa Panginoon (Ha) Gusto lang naming malaman niyo na 'yong journey namin, hindi rin gano'n kadali (Ha) Maniwala lang kayo palagi, may mangyayari Ipagpatuloy niyo lang

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9
  • Smugglaz
  • Tuglaks
  • Flict G
  • Crazymix
  • Abaddon
  • Numerhus
  • Kial