Kislap

Album cover art for "Kislap" by Gloc-9 & Ice Seguerra

Gloc-9 & Ice Seguerra - Rap, Pop

Kislap

0 Plays

Duration: 3:50

View Album

Lyrics

Language:

[Chorus: Ice] Kislap ng mga ilaw Sigaw at palakpakan Ang lahat ng mga tao'y Alam ang aking pangalan Yakapin mo, isipin mo Baka 'di na maulit 'to Yakapin mo, isipin mo Baka 'di na maulit ... [Verse: Gloc-9] Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y Hinahanap ng aking inay habang lumalangoy Sa ilog na lumalim dahil bumagyo kagabi Walang tigil sa pagsisid kahit medyo madumi Ibalik mo ako sa kalsada kong nilakaran Patungo sa eskwelahan na aking pinasukan Mula una hanggang sa ika-anim na baitang Lubid ng aking trumpong nakatali sa'king baywang Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y Pinagtatawanan dahil ang sapatos ko ay baduy 'Di mamahalin ang damit, simula sa umpisa At ang aking pantalon ay 'di limang daan at isa Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid Nag-iisa, nag-iisip at walang bumibilib Walang palakpakan at sigawang nakakatulig Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig [Chorus: Ice] Kislap ng mga ilaw Sigaw at palakpakan Ang lahat ng mga tao'y Alam ang aking pangalan Yakapin mo, isipin mo Baka 'di na maulit 'to Yakapin mo, isipin mo Baka 'di na maulit ... [Verse: Gloc-9] Ibalik mo ako sa mga araw na Nakadungaw sa bintana, sige mangarap ka Mag-rap ka nga dito sa binta, 'Ris bumanat ka Baka mahulog ka sa jeep Pare humawak ka Ibalik mo ako sa araw na ako'y dinugas Akala ko kaibigan, kaya naging tagahugas Ng pinggan sa iba't ibang restaurant Dun mo subukang mag-apply Pare da' best daw dyan Lampas sa minimum ang sweldo Libre ka pa sa kain Di pwedeng pansustentong Hindi malayong hikain Sa init ng kalan, lutuin mo isang banyera Pagod ka na, heto pa itaas mo ang bandera Ng mga manggagawang Pinoy May among mayamang Tsinoy Gusto kong bumalik sa mga panahon noong ako'y Nananalanging palarin, mga adhikai'y makain Malupit na makata kung tawagin Paborito kahit di taga-samin Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid Nag-iisa, nag-iisip at walang bumibilib Walang palakpakan at sigawan na nakakatulig Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig [Chorus: Ice] Kislap ng mga ilaw Sigaw at palakpakan Ang lahat ng mga tao'y Alam ang aking pangalan Yakapin mo, isipin mo Baka 'di na maulit 'to Yakapin mo, isipin mo Baka 'di na maulit ... Kislap ng mga ilaw Sigaw at palakpakan Ang lahat ng mga tao'y Alam ang aking pangalan Yakapin mo, isipin mo Baka 'di na maulit 'to Yakapin mo, isipin mo Baka 'di na maulit ... [Outro: Gloc-9] Ibalik mo ako sa mga araw na 'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa Nang sa kabila ng lahat ay madalaw ka Ibalik mo ako sa mga araw na 'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa Nang sa kabila ng lahat ay madalaw ka At makausap ...

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9