Bugtong

Lyrics
[Verse 1: Gloc-9] 'Di yata dapat ginawa 'to, parang delikado Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao Hindi ko pipigilin, pilit na sisilipin Kahit na takpan, aking bibig ay aking sasabihin Sasabihin, sasabihin, sasabihin, sasabihin [Hook: Yeng Constantino] Pwedeng tao, pwedeng hayop Sino kaya ang tinutukoy ko? Parang tao, parang hayop Sino kaya ang tinutukoy ko? [Verse 2: Gloc-9] Malamang ang ibinoto mo'y kurap Tao n'ang kanyang likod ang ginagawang harap Tutungtong sa entablado at makikiharap Dumudura ng mga kasinungalingang masarap Pakinggan, parang awitin na laging nasa tono Pero ang kanyang ugali ay ubod nang sintunado Tituladong abogadong milyonaryong mabait May isan dosenang anak sa patong-patong na kabit Tingnan mo ang bait, parang 'di ka nahihiya Napakarami ang gutom pero ika'y nakahiga Nagpapasasa sa kayamanang kay bilis Mong nakuha sa pinagsama-sama naming buwis Amoy panis, kay bangis, kapag ikaw ang kumagat Walang natitira, simot lahat, pati buto't balat Nagkakalat ay isang garapal na mandaraya Walang pinagkaiba sa nakaabang na buwaya Na sinasakmal ang lahat ng makita 'pag gutom Panga'y laging nakabukas na parang bilasang tahong Kaya parang alam ko na kung ano ang dahilan At kasagutan dito sa laro ng hula-hulaan [Hook: Yeng Constantino] Pwedeng tao, pwedeng hayop Sino kaya ang tinutukoy ko? Parang tao, parang hayop Sino kaya ang tinutukoy ko? [Interlude: Gloc-9] 'Di yata dapat ginawa 'to, parang delikado Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao Hindi ko pipigilin, pilit na sisilipin Kahit na takpan, aking bibig ay aking sasabihin Sasabihin, sasabihin, sasabihin, sasabihin [Verse 3: Gloc-9] Na para bang hindi ka makahinga Natatakot ka na baka biglang maamoy nila Ang mabaho at bulok na sistemang nakabara Sa malaki at matigas na tiyan mo'y kakasya pa ba? Araw-araw kang busog pero 'di ka makadighay Hinay-hinay lamang, baka po inyong ikamatay "Magtiwala ka, anak," 'yan ang sabi ni Inay Pero bakit lahat ay sanay na sanay sa lagay? Ganyan dito sa Pinas, ewan ko lang sa iba Magkano ba ang amin dyan? 'Yan lang ang mahalaga Teka tulungan niyo ako, sinong malinaw ang mata Ituro niyo kung sinong 'di milyunaryo sa kamara Pagpasensiyahan niyo na kung medyo hindi bilib Tinuruan lang ako na maging mapagmasid Sa tagal ng panahon, mahirap maging manhid Parang sugat na tuyo na tinalupan ng langib At binuhusan ng mertiolet, sa laman nakadikit Iwan ang pamilya sa ibang bansa ipagpalit May pag-asa pa ba ang bayang nakataya? Ang pati pato't [?], sino ang dapat mahiya? [Hook: Yeng Constantino] Pwedeng tao, pwedeng hayop Sino kaya ang tinutukoy ko? Parang tao, parang hayop Sino kaya ang tinutukoy ko? Pwedeng tao, pwedeng hayop Sino kaya ang tinutukoy ko? Parang tao, parang hayop Sino kaya ang tinutukoy ko? [Outro: Gloc-9] 'Di yata dapat ginawa 'to, parang delikado Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao Hindi ko pipigilin, pilit na sisilipin Kahit na takpan, aking bibig ay aking sasabihin na
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9