Industriya

Album cover art for "Industriya" by Gloc-9 & KZ Tandingan

Gloc-9 & KZ Tandingan - Rap, Hip-Hop

Industriya

16.5K Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Intro: KZ Tandingan] Mga pangarap na hinahanap ay abot-kamay mo na Pera't alak kung iyong balak, mapagsasabay mo pa Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad [Hook: KZ Tandingan, Gloc-9] Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Do'n sa'min, sisikat ka Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Yayaman ka Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Pakinggan mo (Dahil, dahil) Ang mga kwento ng industriya [Interlude] Pare tignan mo sisikat din ako ('Di nga?) [Verse: Gloc-9] Ito ay ang mga kaganapan sa buhay Ng isang tao sa mundo na iba't ibang ang kulay Ilaw na patay-sindi kahit na hindi gabi Malalakas na tugtugin na nakakabingi Pero ito ang dinasal (Dasal), ito ang hinagilap (Gilap) Kapalit ng pag-aaral kahit tila mahirap Habulin, hulihin, lunurin, baguhin ang sarili Matulin-tuling bunutin 'pag natibo ka ng bote Sa paa, dapat lagi kang nakatapak sa lupa Kahit na alam mong ang puhunan mo'y dugo at luha Meron kang dala-dalang 'di alam ng iba Lamunin man ng kaba, inensayo mo na At hinding-hindi ka papayag na 'di mo maabot Kahit ulitin pa ang iyong layag, laot na mahamog Madilim at malayo, maalon na daan Kahit na ano pa 'yan ay kanyang lalampasan [Chorus: KZ Tandingan] Mga pangarap na hinahanap ay abot-kamay mo na Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad [Hook: KZ Tandingan, Gloc-9] Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Do'n sa'min, sisikat ka Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Yayaman ka Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Pakinggan mo (Dahil, dahil) Ang mga kwento ng industriya [Interlude] Uy, si idol! (Mayabang naman 'yan, e) [Verse: Gloc-9] Liwanag na nakakasilaw (Silaw), 'di mula sa araw (Araw) Palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw (Baw) Sigawan ng mga tao, kahit saan magpunta Ikaw lang ang gusto nila at wala nang iba Kahit anong iyong gawin ay kanilang bibilhin Makita lang ang kinang ng iyong bituin Sa bilis ng pangyayari, hindi mo namalayan Bagong bahay, lote, kotse, lupa at kayamanan Ang nasa iyong kamay na gustong kamayan Ng lahat, kaibigan na hindi mo na mabilang Palaging nakaakbay, gusto kang sabayan Sa daan, papayungan ka kapag umuulan Ika'y nawili at tila ba nalasing ka sa lahat Ng mali, kasi alam mo na ikaw lang ang sikat Sa layo ng narating, 'di mo nakita ang hinanap Sa dami ng 'yong hawak, naging bangungot ang [Chorus: KZ Tandingan] Mga pangarap na hinahanap ay abot-kamay mo na Pera't alak kung iyong balak, mapagsasabay mo pa Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad [Hook: KZ Tandingan, Gloc-9] Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Do'n sa'min, sisikat ka Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Yayaman ka Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Pakinggan mo (Dahil, dahil) Ang mga kwento ng industriya [Interlude] Uy, kilala mo ba 'yun? (Oo, laos na 'yan, e) [Verse: Gloc-9] Panahon ay dumaan, naging pangilan-ngilan Ang pagsampa ng entablado, nakalimutan Ang mga awit na inawit, malalakas na hiyaw Bakanteng upuan ang nakikinig lang ay ikaw Sa isang iglap, tila wala nang nakakakilala 'Di mo matanggap, kasi wala nang nakakaalala Dumating ang tagtuyot nang walang kamalay-malay Malungkot dahil hindi ka nagtatabi ng palay No'ng sagana sa lahat, madami kang kaibigan Na akala mo ay hinding-hindi ka tatalikuran Iyong napag-alaman nang ika'y mapag-iwanan Matapos ang lahat, ikaw ang pinagtatawanan Dahil nawili at tila ba nalasing ka sa lahat Ng mali, ngayon, alam mo na hindi ka na sikat Ang layo ng narating, 'di mo nakita ang hinanap Humawak ka dahil pwede pang mabawi ang [Chorus: KZ Tandingan] Mga pangarap na hinahanap ay abot-kamay mo na Pera't alak kung iyong balak, mapagsasabay mo pa Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad [Hook: KZ Tandingan, Gloc-9] Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Do'n sa'min, sisikat ka Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Yayaman ka Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Pakinggan mo (Dahil, dahil) Ang mga kwento ng industriya [Outro: KZ Tandingan, Gloc-9] Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Do'n sa'min (Sumama ka sa'min) Do'n sa'min (Lumapit ka sa'min) Do'n sa'min (Makinig ka sa'min) Pakinggan mo Ang mga kwento ng industriya

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9