Salamat Musika

Lyrics
[Verse 1] Paano mo patatahimikin ang isang bunsong iyakin? Huhunihan ni inay ng la-la-rin-la-rin Paano mo patatahanin ang pagtatampo ni Neneng? Pasalamat ka't may awit na kakantahin [Verse 2] Sa mga indayog, tayo'y napapasayaw At sa labis na galak ay napapasigaw, wow Ang mga kirot sa puso ay lumilipad Ang mga mithi ay natutupad [Chorus] Salamat, salamat musika Lahat ng panahon maaasahan ka Salamat, salamat musika Itong munting mundo ay napapasigla [Verse 3] Ang mga bituin sa langit at mga katha ng isip Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig Ang magagandang tanawin at mga tulang malamim Kukulangin din upang tayo ay aliwin [Verse 4] Aanhin ang kayamanang 'di madadala? Aanhin ang kagandahang pansamantala? Ang katahimikan ba ay may nagagawa Upang ihayag ang nadarama? [Chorus] Salamat, salamat musika Lahat ng panahon maaasahan ka Salamat, salamat musika Itong munting mundo ay napapasigla, napapasaya Salamat, salamat musika Lahat ng panahon maasahan ka Salamat, salamat musika Itong munting mundo ay napapasigla Salamat musika [Outro] Salamat musika Salamat musika
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gary Granada