Kung Ayaw Mo Na Sa Akin

Album cover art for "Kung Ayaw Mo Na Sa Akin" by Gary Granada

Gary Granada - Pop

Kung Ayaw Mo Na Sa Akin

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

Kung ayaw mo na sa akin Wala akong magagawa Hindi mo na kakailanganing Magdadalawang salita Kung ayaw mo na sa akin Sabihin lang ang totoo Para minsanan na lang ding Luluha ang puso ko Datirati pag ako'y nagkwento Pumupungay ang iyong mga mata Ngayo'y kahit original ang jokes ko Hinding-hindi ka na natatawa Di na tayo nanonood ng sine O kaya'y magpusoy-dos man lang Noo'y gustunggusto mo laging maglibre Ngayo'y di mo na ako pinauutang Kung ayaw mo na sa akin... Di mo na ako kinakausap Di mo na ako inaakbayan Namimiss ko na ang iyong mga yakap Di mo na ako hinahalikan Di ka na sumisipot sa usapan Parang di mo na ako mahal Di mo man lang yata nabalitaang Kalalabas ko lang sa ospital Kung ayaw mo na sa akin... Nakita kita kahapon May kaholding-hands ka pa Gaya rin natin noon Nag-uumapaw ang saya Tila napaibig ka na rin Sa matangkad mong kasama Di mo na napapansing Mas guwapo ako sinta Ngunit, kung ayaw mo na sa akin... Kung ayaw mo na sa akin Masakit man ang totoo Kung talagang ayaw mo na sa akin Ayaw ko na rin sa iyo

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Credits Not Found