Kapag Sinabi Ko Sa Iyo

Lyrics
[Verse 1] Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal At 'di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan O 'di kaya ay sisirin perlas ng karagatan [Verse 2] Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan Dala-dala kahit saan, pang-araw-araw na pasan [Chorus] Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y 'di ko matitiyak Na 'pag ako'y kapiling mo, kailanma'y 'di ka iiyak Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot Ngunit kung 'di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot [Verse 3] Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta Sana'y yakapin mo akong mulat ang iyong mga mata Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan [Chorus] Halina't ating pandayin isang malayang daigdig Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gary Granada