Magkunwari (‘Di Man Tayo)

Lyrics
[Verse 1] Kamusta na? Hindi mo ba nakikitang Wala akong mabibigay sa'yo Kundi ang puso Nangungulila at hindi susuko Kahit anong sabihin mo [Pre-Chorus] Isipin man nilang ito'y mali Basta't nandito ka sa 'king tabi [Chorus] 'Di man tayo ay magkunwari Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali Hindi man tayo ay magkunwari Baka sakali lang sabihin mong Ako'y mahal mo rin [Verse 2] Halika na Hindi ko kakayaning mag-isa Walang mahihiling sayo kundi pangako Hindi na iisipin pang sumuko Tayo'y hindi na hihinto [Pre-Chorus] Isipin man nilang ito'y mali Hindi na aalis sayong tabi [Chorus] 'Di man tayo ay magkunwari Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali Hindi man tayo ay magkunwari Baka sakali lang sabihin mong Ako'y mahal mo rin Ika'y mahal pa rin [Bridge] Ano man ang pagsubok Ako'y 'di susuko Ano man ang daanan Ikaw ang tahanan Ikaw ang ligaya sa hirap ng buhay ko [Chorus] 'Di man tayo ay magkunwari Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali Hindi man tayo ay magkunwari Baka sakali lang sabihin mong Ako'y mahal mo rin Ika'y mahal pa rin, oh, ooh-woah [Outro] Hindi man tayo ay magkunwari Baka sakali lang sabihin mong Ako'y mahal mo rin Ika'y mahal pa rin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- December Avenue