Huling Sandali (Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon Official Soundtrack)

December Avenue - Pop, Rock
Huling Sandali (Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon Official Soundtrack)
65.8K Plays
Lyrics
[Verse 1] Hindi mapigil ang bugso ng aking puso Sa t'wing ako'y papalapit sa'yo Maaari bang hingin ang iyong kamay? Hawakan mo't 'wag mong bitawan [Verse 2] Hindi mapigil ang tibok ng aking puso Sa t'wing ako'y nakatingin sa'yo Maaari bang 'wag kang humiwalay? Dahil sandali na lang [Pre-Chorus] Darating din ang gabing walang pipigil sa'tin Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon? [Chorus] Kahit sandali Palayain ang pusong 'di mapigil Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon Na ika'y magiging akin [Verse 3] Hindi matigil ang gulo sa aking isip At para bang walang kasing sakit Alaala mong hindi ko malimutan Oras lang ang may alam [Pre-Chorus] Kung darating din ang gabing walang pipigil sa'tin Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon? [Chorus] Kahit sandali Palayain ang pusong 'di mapigil Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon Na hindi na para sa'tin [Bridge] At sa bawat minuto, ako'y 'di natuto Ipilit mang iba, ako'y maghihintay sa'yo Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi? [Chorus] Kahit sandali Palayain ang pusong 'di mapigil Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon Na hindi na para sa'tin [Outro] Kahit sandali Patawarin ang pusong 'di tumigil Para sa'ting dalawa ang maling pagkakataon Na ika'y magiging akin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Zel Bautista
- December Avenue